Spotted muling magkasama ang rumored couple na sina Coco Martin at Julia Montes.
Noong Biyernes, July 2, namataang magkasama ang dalawa sa isang outdoors lifestyle store sa may Greenhills, San Juan.
Sa caption mismo ng Facebook post ng establishment ay pinangalanan sina Coco at Julia, kahit natakpan ng maitim na face shield ang mukha ng aktres.
Hindi ito ang unang pagkakataong nasilayan ng publiko na magkasama sina Coco at Julia.
Noong nakaraang Marso lamang, namataan ang dalawa na magkasamang nagbakasyon sa Boracay.
Hindi itinanggi ng dalawa ang balitang magkasama silang nagliwaliw sa Boracay, at wala rin silang pahayag o paglilinaw kung bakit magkasam sila doon.
Sa panayam kay Julia ni G3 San Diego para sa Mega Magazine nitong buwan lamang, nagsalita ang aktres tungkol sa kanyang buhay pag-ibig sa unang pagkakataon.
Hindi man niya pinangalanan nang tuwiran kung sino ang tinutukoy ni Julia na karelasyon, nagbigay siya ng pahiwatig na galing din sa showbiz ang kanyang minamahal.
Sabi ni Julia: "Actually, hindi ko kasi siya sasabihing secret.
"We just chose this path kasi we both believe na, 'Ang atin, atin. Pumasok tayo sa trabahong 'to na magulo. Wag na nating paguluhin pati yung atin.'"
Nagpaliwanag din siya kung bakit pinili nilang manahimik ng karelasyon at ito ay pareho raw nilang desisyon.
Ito rin daw ay upang maiiwas sila sa anumang intriga at kontrobersiya.
Paliwanag pa niya, "Personal choice namin yun. And for us kasi talaga, naniniwala kami pag ano kasing nandiyan, sisirain.
"Pag hindi kayo, pag magka-love team kayo, gustong maging kayo. Pag kayo, pagsisirain kayo.
"So, might as well, 'O, anong alam niyo? Okay, kung anong alam niyo, okay po.' Yun na lang."
Use these foodpanda vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.
