Angeline Quinto reveals buying ex-boyfriend a car, motorcycle

by Arniel C. Serato
Jul 5, 2021
Angeline Quinto proudly admits giving not just cash to her ex-boyfriend: "Nakapagbigay ako ng motor at saskayan.”
PHOTO/S: Courtesy: Love Angeline Quinto on YouTube

Proud na inamin ni Angeline Quinto na dahil sa pag-ibig ay nakapagbigay siya ng kotse at motorsiklo sa dati niyang boyfriend.

Sa kanyang vlog na may pamagat na "Lagot O Sagot Challenge (Puro Lovelife Questions)" na lumabas noong Biyernes, July 2, sinagot ni Angeline ang tanong na ito: “Nagpautang ka na ba sa jowa o naging jowa mo?”

Continue reading below ↓

Tila nag-isip muna si Angeline bago sumagot.

Saad niya, “Ang dami ko kasi pinautang.

"Kasi nagugulat ako, kahit hindi naman sila nangungutang, parang alam na alam na nila kung saan sila kukuha ng... alam nila yung wallet ko, e.

“Parang, diretso na, parang ganun.

“Ewan, parang nakasanayan nila [kumuha sa wallet ko] kasi alam niyo naman ako, di ba?

"Mapagbigay akong tao. Sabi ko nga sa inyo, hangga't may maibibigay akong tulong.

"Siyempre jowa ko pa, siyempre pag jowa niyo, mahal ninyo.”

Dagdag pa ng singer-actress, dahil sa pagmamahal sa hindi pinangalanang ex-boyfriend, hindi lang pera ang naibigay niya rito.

Nabilhan na rin daw niya ito ng kotse at motor.

Pagtatapat ni Angeline, “So, halimbawa, pag meron akong three thousand sa isang araw, pag-uwi ko, two hundred na lang. Pero okay lang yun.

“Basta ganun, hindi na siya nagpapaalam minsan. Kuha lang siya nang kuha, pero hinahayaan ko, e.

“Binigyan ko pa nga ng motor... Motor? Oh my God, ano ba 'yan, ang dami ko nasasagot dito!

Continue reading below ↓

“Di, pero totoo, nakapagbigay ako ng motor at sasakyan.”

Sabi pa niya, “Oo, totoo naman, e, bakit ko naman hindi sasabihin sa inyo [Team Angeline], share ko lang sa inyo—nakapagbigay akong motor at tsaka ng kotse.”

Biro pa ni Angeline, “Siguro, sa future, baka bahay.”

Ang huling naugnay kay Angeline ay isang non-showbiz guy.

HOT STORIES

Use these Adidas PH promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Read More Stories About
Angeline Quinto, hardcore fans
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angeline Quinto proudly admits giving not just cash to her ex-boyfriend: "Nakapagbigay ako ng motor at saskayan.”
PHOTO/S: Courtesy: Love Angeline Quinto on YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results