PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vice Ganda slams gossip blogsite for peddling fake news

“Kadiri tong FAKE NEWS na to!!!!!! Pero mas KADIRI yung mga sumakay!!!!"
by Arniel C. Serato
Published Jul 6, 2021
Vice Ganda reacts to fake news about him: "Mga taong sa panahon ngayon chismis, paninirang puri at fake news pa din ang trabaho YUUUUICCCCKKK!!!!"
PHOTO/S: @praybeytbenjamin on Instagram

Hindi pinalampas ni Vice Ganda ang hindi magandang artikulo mula sa isang gossip blogsite kung saan pinaratangan siyang may patutsada raw sa ilang dating Kapamilya stars.

Ayon sa nasabing artikulo, nagparinig daw si Vice kina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz na lumipat sa GMA Network.

Nakasaad sa lumabas na report na nagpatutsada raw si Vice sa dalawa sa kanyang Twitter, pero binura rin daw ito kaagad.

Nakalagay sa ulat ang diumano'y buradong tweet ni Vice na nagsasabing:

“Ang kapal ng mukha ng mga taong nagsasabing nauubos na ang mga Kapamilya Artist. Kung dyan kayo Masaya, bahala kayo basta sinabi ko na dati pa, wala kayong future dyan sa Kabila. Charot!”

Ni-retweet ni Vice ang nasabing artikulo sa kanyang account ngayong Martes ng gabi, July 6.

Mababanaag na galit na galit si Vice sa nasabing ulat base sa kanyang tweet:

“Kadiri tong FAKE NEWS na to!!!!!! Pero mas KADIRI yung mga sumakay!!!!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero PINAKA KADIRI yung mga sumusweldo at kumikita sa FAKE NEWS!!!”

Sa isa pang tweet, tinawag niyang paninirang puri ang nasabing balita.

Tinagurian niyang mas mababa pa sa dumi ng tao ang mga gumagawa ng mga pekeng balita.

Deklara ng TV host-comedian, “Mga taong sa panahon ngayon chismis, paninirang puri at fake news pa din ang trabaho YUUUUICCCCKKK!!!! Mas mababa pa kayo sa TAE! Yan ang #FACT!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Wala nang iba pang tweet si Vice.

Noong July 1 ay pumirma si Bea ng exclusive contract sa GMA Network, pagkatapos niyang umalis sa ABS-CBN na naging tahanan niya sa loob ng dalawampung taon.

Napapabalita ring gagawa ng proyekto si John Lloyd sa GMA, ngunit wala pang pinal na usapan tungkol dito.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

HOT STORIES

Use these foodpanda vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice Ganda reacts to fake news about him: "Mga taong sa panahon ngayon chismis, paninirang puri at fake news pa din ang trabaho YUUUUICCCCKKK!!!!"
PHOTO/S: @praybeytbenjamin on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results