Niresbakan ni Juancho Trivino ang isang netizen na tila basag-trip sa pagpi-flex ng aktor sa kanyang misis na si Joyce Pring sa Instagram.
Sa post ni Juancho noong Martes, July 12, sinabi ng Kapuso actor kung gaano siya ka-proud sa kanyang asawa.
Iba raw ang sakripisyo ni Joyce bilang ina sa kanilang two-week-old baby na si Alonso Eliam.
Saad ni Juancho sa caption ng kanyang post: “This past few weeks have been challenging, pero grabe nakaka proud tong taong to guys.
“Kulang ang kahit anong post o bagay sa mundo para mapantayan ang sacrifice ng Nanay. I just want to flex my wife tonight. [heart, praying hands emoji]”
View this post on Instagram
Pinusuan ito ng celebrities at netizens sa comments section.
Pero may isang netizen ang wala raw paki sa update ni Juancho, pero pinag-aksayahang magkomento sa post ng aktor.
Sabi nito sa kanyang komento: “tbh [to be honest], walang may paki..”
Ito lang ang may negative comment sa post ni Juancho.
Hindi naman ito pinalampas ng aktor.
Tugon niya sa netizen, ang kanyang Instagram account ay para sa trabaho at buhay niya. Maaari naman daw mag-unfollow sa kanya ang netizen.
Buwelta ni Juancho" “lol, this page about my life (my family, my engagements and my work) not about what I think you want me to post. [heart emoji] I don’t really mind the unfollow.”
Pabiro pa niyang banta sa basher: “Or if you are really affected i can block you myself. [face with stuck out tongue and tightly-closed eyes emoji]”

Ikinasal sina Juancho at Joyce noong February 9, 2020.
