Nadadawit ang dating GirlTrends member na si Erin Ocampo sa hiwalayang Kylie Padilla at Aljur Abrenica.
Si Erin, 25, ang isa sa tatlong babaeng iniuugnay sa breakup ng showbiz couple.
Ang dalawa pa ay sina Cindy Miranda at Maika Rivera, na parehong tahasang itinangging may kinalaman sila sa paghihiwalay nina Kylie at Aljur.
Inaabangan ngayon kung magsasalita rin si Erin hinggil sa isyu.
Kasalukuyang nasa one-month lock-in taping si Erin para sa Kapuso primetime series na The World Between Us na pinagbibidahan nina Alden Richards, Tom Rodriguez, at Jasmine Curtis-Smith.
Binisita ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang Twitter account ni Erin sa pagbabakasaling mayroon siyang post tungkol sa isyu.
Wala siyang pahayag tungkol dito, ngunit kapansin-pansin ang pagpu-post niya nitong mga nakaraang araw tungkol sa mga negatibong tao sa kanyang paligid.
Kahapon, July 14, nag-post si Erin ng kanyang selfie photo.
Caption niya: “You’re not gonna tell me who I am. I’m gonna tell you who I am. [green heart emoji]”
Pakahulugan ni Erin, walang sinumang magdidikta sa kanya kung ano ang pagkatao niya.
Noong July 12, nag-tweet siya ng imahe ng isang babaeng pinoprotektahan ang kanyang energy mula sa dalawang taong naglalabas ng negative energy.
Sabi sa larawan (published as is): “When negative people tryna ruin your mood but your aura be strong.”
Tweet ni Erin: “B*tch you don’t matter, get off of my way. [face with sticking out tongue and laughing with tears emojis]”
Malinaw na ang ibig sabihin ni Erin ay hinaharang niya ang mga negatibong tao sa kanyang paligid.

Noong weekend, pinusuan din niya ang quote na ito: “Maturity is when you stop allowing other people’s bullshit to disturb your peace.”

ERIN POSTS ABOUT HAPPY HEART
Kapansin-pansin ding maraming posts si Erin tungkol sa love life.
Mahihinuhang inspired siya pagdating sa usaping puso.
Noong July 12, ipinost ni Erin ang kanyang isinulat na tula tungkol sa natagpuan niyang pag-ibig.
Caption niya, "I'm home [red heart emoji]"
Ayon sa kanyang tula, nagbago ang kanyang buhay nang makilala niya ang isang taong sinusuklian ang kanyang pag-ibig.
Saad ni Erin: “I know this love will not quickly fade – With both our feelings combined is how true love is made.”
Tweet naman niya noong July 9: “If someone truly misses and loves you, he knows small efforts will be a big difference, my heart is full, my heart is happy.
“Can’t wait to hug and kiss you agaiinnn!”

May makahulugan din siyang tweet noong July 8: “Marry a man who runs to God When you have problems, not to other women.”
Nilakipan niya ito ng “Pheww!” sa caption, at nilagyan ng emojis bilang indikasyong patama ang kanyang tweet.

Si Erin ay kasalukuyang contract artist ng GMA Artist Center.
Bago ito, dati siyang taga-ABS-CBN at member ng GirlTrends—kalaunan ay naging GT—ang all-female group sa It’s Showtime.
Dati niyang karelasyon ang singer na si Michael Pangilinan, at nagbunga ng isang anak na lalaki ang kanilang pagsasama.
Naging boyfriend din niya ang Pinoy Big Brother: All In housemate na si Axel Torres.
Kahapon, July 14, sinubukang makipag-ugnayan ng PEP.ph kay Erin para kunin ang kanyang panig hinggil sa pagkakadawit ng pangalan niya sa paghihiwalay nina Kylie at Aljur.
Ngayong Huwebes ng umaga, July 15, muli kaming nagpadala sa kanya ng mensahe para sa kanyang panig.
Agad naming ilalathala ang kanyang reaksiyon sa oras na sumagot si Erin.
