PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ai-Ai delas Alas on Jaclyn Jose-Andoy Ranay basura issue

"Ang pinaghirapan at galing sa pusong gawain ay hindi maihahantulad sa basura.”
by Arniel C. Serato
Published Jul 16, 2021
Ai-Ai delas Alas lauds Jaclyn Jose's answer to Kapamilya director Andoy Ranay's "basura" comment: "Tama Ms. Best Actress ang daming hirap at puyat hindi lamang artista kundi mga tao sa likod ng camera."
PHOTO/S: Courtesy: @msaiaidelasalas / @gmanetwork on Instagram

Sinang-ayunan ni Ai-Ai delas Alas ang pagbuwelta ni Jaclyn Jose laban sa kaibigan nitong direktor ng ABS-CBN na si Andoy Ranay.

Noong gabi ng Miyerkules, July 14, nag-react si Jaclyn kaugnay ng patutsada ni Andoy na mas mabuti na raw walang prangkisa kung “basura” naman daw ang trabaho.

Noong July 10, 2020 ay ibinasura ng Kongreso ang franchise renewal ng ABS-CBN, kung saan nagtatrabaho ngayon si Andiy.

Pagmamalaki pa ni Andoy: “Yun naman, so aanhin mo ang franchise kung basura naman ang trabaho, wow! Hahahaha! Grabe! I mean, di ba?

“Parang mas masarap na lang magtrabaho kahit bawas ang suweldo, kahit hindi laging may trabaho, pero alam mo na yung quality ng trabaho yung maibibigay mo sa audience mo ay ‘In the Service of the Filipino,’ we have responsibility to our audience.

"Kaya iyon ang ibibigay natin, hanggang dulo magkakasama tayo."

Naniniwala si Jaclyn na ang GMA-7 ang pinatatamaan ng Kapamilya director sa pahayag nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi man pinangalanan ni Jaclyn ang direktor na tinutukoy niya kanyang Instagram post noong July 14, malinaw na reaksiyon ito sa paptutsada ni Andoy.

Bahagi ng post ni Jaclyn na sinang-ayunan ni Ai-Ai: “Lahat ng nasa production from EP to AP to PA to all the members of production hanggang utility, wardrobe on point.

“Hanggang sa kuwento, artista, director nagpapawis, nagpapakahirap makagawa lang ng napakaganda na panuurin. Pinaghihirapan po namin ang lahat ng lumalabas.

"Hindi po kami (basura)."

Sabi naman ni Ai-Ai sa kanyang sariling Instagram post, naghihirap ang lahat ng nasa produksiyon ng isang programa upang may maihaing programa sa mga manonood.

Hindi raw ito maihahambing sa basura.

Buong pahayag ni Ai-Ai, “[three clapping hands emojis] tama ms best actress ang daming hirap at puyat hindi lamang artista kundi mga tao sa likod ng camera .. ang pinag hirapan at galing sa pusong gawain ay hindi maihahantulad sa basura.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Positibo naman ang halos lahat ng komento sa post ni Ai-Ai, pero wala siyang sinagot kahit isa.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ai-Ai delas Alas lauds Jaclyn Jose's answer to Kapamilya director Andoy Ranay's "basura" comment: "Tama Ms. Best Actress ang daming hirap at puyat hindi lamang artista kundi mga tao sa likod ng camera."
PHOTO/S: Courtesy: @msaiaidelasalas / @gmanetwork on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results