PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bea Alonzo, Dominic Roque spotted at Beth Tamayo's baby shower

Bea and Dominic's first photo together from their Los Angeles trip
by Nikko Tuazon
Published Jul 18, 2021
Bea Alonzo, Dominic Roque
On Sunday, July 18, 2021, Bea Alonzo and Dominic Roque are spotted by netizens at Beth Tamayo's baby shower in Lumina Residences, San Francisco, California.
PHOTO/S: @fannyzha / @malousanalegacyrunner on Instagram

Tuwang-tuwa ang fans nina Bea Alonzo at Dominic Roque dahil sa wakas ay muli silang nakitang magkasama sa iisang litrato habang sila ay nakabakasyon sa U.S.

Present ang dalawa sa baby shower para kay Beth Tamayo na ginanap sa Lumina Residences sa San Francisco, California.

Si Beth, na tita ni Dominic, ay buntis sa unang baby nito sa asawang si Adam Hutchinson. Malapit na siyang manganak.

Ang litrato nina Bea at Dominic na magkasama ay ibinahagi ng kaibigan ni Beth na si Fanny Zha sa kanyang Instagram account nitong Linggo, July 18, 2021.

Ang caption nito sa kanyang post, "Can’t wait to meet you, Baby Hutchinson [heart emojis]"

Dahil sa excitement ng fans, na-repost ito at ngayon ay kumakalat na sa social media.

View this post on Instagram

A post shared by Fanny Zha (@fannyzha)

Isa sa mga photos sa post ni Fanny ay kasama ang family nito at sina Bea at Dominic.

Nang i-crop ito ng fans, tanging ang mga mukha nina Bea at Dominic ang naiwan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa isang video naman na ni-repost ng mga BeaDom fans, makikita si Bea na aliw na aliw habang pinapanood ang iba pang mga bisita kabilang si Dominic na naglalaro ng isang balloon game.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nitong July 6, 2021, lumipad sina Bea at Dominic papuntang U.S.

Namataan pa ang dalawa ng kanilang fans sa airport bago pumunta ng California.

Nakarami na rin ng post sa Instagram si Bea mula sa kanilang bakasyon. Ngunit hanggang comments section pa lang ang interaction nilang dalawa, at wala pang ibinabahaging litrato na magkasama sila.

BETH SUPPORTS DOMINIC, BEA

Samantala, una nang naibahagi ni Beth sa eksklusibong panayam nito sa PEP Troika noong March 18, 2021, na buo ang kanyang suporta sa pamangkin nito at kung ano mang namamagitan sa kanila ni Bea.

Aniya, "Happy naman ako, happy ako for them. Basta happy siya, happy ako."

Napabilib din si Beth kina Dominic at Bea sa pananahimik ng mga ito tungkol sa tunay estado ng kanilang relasyon.

Sabi ni Beth, "For me, I think it’s the mature way to handle it. Hayaan...

"Kumbaga, I think they’re very, very confident and they’re happy wherever it is in a relationship... kung nasa’n man sila ngayon, and okay na yun.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Basta you’re not admitting anything, you’re not also denying anything.”

Patuloy nito, "Kung makita kayong magkasama, e, di makita kayong magkasama, di ba?

“Kung magkahiwalay ang picture niyo sa Amanpulo, e, di, magkahiwalay ang picture niyo sa Amanpulo."

Nag-iwan rin si Beth ng love advice sa kanyang pamangkin. Payo nito, maging tahimik na lang sa kanyang love life at huwag nang pansinin ang negatibong sasabihin ng mga bashers lalo't "bigger star" na maituturing si Bea.

Kuwento ni Beth, "I also told Dominic that he will get a lot of, like, alam mo iyon, because Bea is the bigger star, di ba?

"Sabi ko sa kanya, ‘Baka later on, you’ll get a backlash from people saying that nakikisawsaw sa kasikatan ni Bea or whatever.’

“Like, you don’t have your own identity, or kind of just like riding sa career niya, something like that.

"Sabi ko sa kanya, ‘You might get, like, some feedback from other people na hindi maganda, dedmahin mo na lang, because you know naman what you’re doing and also kung saan kayo masaya…’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kasi hindi mo maiiwasan, e. Meron at merong magsasalita ng hindi maganda about them or him, yung mga hindi pabor sa relationship."

HOT STORIES

Use these Klook promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
On Sunday, July 18, 2021, Bea Alonzo and Dominic Roque are spotted by netizens at Beth Tamayo's baby shower in Lumina Residences, San Francisco, California.
PHOTO/S: @fannyzha / @malousanalegacyrunner on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results