PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

President Rodrigo Duterte hits ABS-CBN anew in his last SONA

Duterte once again accuses ABS-CBN of not paying taxes despite BIR's clarification.
by Arniel C. Serato
Published Jul 26, 2021
In his last State of the Nation Address, President Rodrigo Duterte claims once again that ABS-CBN owes government billions in unpaid taxes.
PHOTO/S: Courtesy: RTVM Screenshot / Jerome Ascano

Hanggang sa kanyang ika-anim at huling Station of the Nation Address (SONA) ngayong araw, July 26, hindi tinantanan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang former giant network na ABS-CBN.

Sa halos tatlong oras na ulat niya sa bayan, muling binanggit ng Pangulo ang aniya'y bilyun-bilyong utang ng Kapamilya network sa gobyerno.

“Itong frequency, ang frequency ng ABS-CBN. 'Yan ang pinaka-ideal kasi, you know, frequency is everywhere," sabi ni Duterte.

Patuloy niya, “Wala akong problema sa ABS-CBN. They got my money, they wanted to return it when the case blew up.

“But they printed all the garbage, including my daughter as a drug trafficker.

“Nilamon ko na lang lahat yun, because I never wanted to be... to appear vindictive.”

Ang tinutukoy ni Duterte ay ang hindi pag-ere ng kanyang campaign ads para sa presidential elections noong 2016, kahit nabayaran na niya ito.

Nag-offer ang ABS-CBN isauli ang ibinayad ni Duterte ngunit hindi ito tinanggap ng Pangulo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Muli ring inakusahan ng Pangulo na malaki umano ang pananagutan sa buwis ng ABS-CBN kaya hindi niya mapahihintulutang makuha nitong muli ang kanilang frequency.

Bintang niya, “They are cheating government by the billions, in taxes.

“And they still want the frequency because, 'yan ang pinag-aawayan.”

Ibibigay raw ng gobyerno ang dating frequency ng ABS-CBN sa mga Pilipino na nagnenegosyo nang tama sa bansa.

“I will give it to a Filipino na gustong magawa ng tamang ano and pay, because sa ABS-CBN, even their equipment were imported tax-free, kaya talaga ako hindi magpapayag.

"They still owe government billions,” sabi ni Duterte.

Pati ang lupang kinatitirikan ng ABS-CBN broadcast complex sa Quezon City ay nabanggit din ni Duterte.

Aniya, “Nakalagay doon, 4 hectares. So, ang binabayaran nila 4 hectares sa property taxes.

"It’s supposed to be 40 hectares, that complex there.

“Ginamit nilang papel 4 hectares lang. Yun lang ang binabayaran nila. Kung di ba naman... kaya ko sila inaway.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“HINDI TOTOO ANG ALEGASYON”

Ipinipilit ni Duterte na hindi nagbabayad ng tamang buwis ang ABS-CBN sa kabila ng paglilinaw ng mismong Bureau of Internal Revenue (BIR) ukol dito.

Sa Senate hearing para sa franchise renewal ng network noong February 2020, sinabi ni Simplicio Cabantac Jr, head of Large Tax Payers Audit Division 3 ng BIR: "As far as ABS-CBN account is concerned they are regularly filing and paying their taxes for the past number of years.”

Ibinahagi ng ABS-CBN ang quote na ito ni Cabantac sa kanilang social media accounts ngayong araw.

Nakalagay sa kanilang caption: "Mismong BIR na ang nagsabi noon na hindi totoo ang alegasyong hindi nagbabayad ng tamang buwis ang ABS-CBN.

"Sa kabila nito, muli na naman itong binanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang SONA. #SONA2021 #ABSCBNfranchise"

View this post on Instagram

A post shared by ABS-CBN News (@abscbnnews)

Nagpaalam sa ere ang ABS-CBN noong May 5, 2020 matapos mapaso ang kanilang 25-year franchise noong May 4, 2020.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Mula nang umupo sa puwesto si Duterte noong 2016, ilang beses niyang sinabing haharangin niya ang anumang panukalang magbibigay ng bagong prangkisa sa ABS-CBN.

Naisakatuparan ito nang sumalang ang ilang ehekutibo ng istasyon sa franchise hearing sa Kongreso mula kalagitnaan ng Mayo hanggang Hulyo.

Sa huli, tuluyang pinatay ng pitumpong kongresista ang franchise renewal ng ABS-CBN, alinsunod sa kagustuhan ng Pangulo, noong Hulyo 16, 2020.

Sa kabila ng pagkawala sa free TV ng ABS-CBN, napapanood pa rin ang ilang mga programa nito sa A2Z, TV, YouTube, at sa iba pang digital platforms.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
In his last State of the Nation Address, President Rodrigo Duterte claims once again that ABS-CBN owes government billions in unpaid taxes.
PHOTO/S: Courtesy: RTVM Screenshot / Jerome Ascano
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results