Kinumpirma ni Kylie Padilla ang paghihiwalay nila ng asawang si Aljur Abrenica.
Sa pamamagitan ng pahayag na ipinadala niya sa 24 Oras ng GMA Network ngayong Huwebes ng gabi, July 8, inamin ng 28-year-old actress na may pinagdadaanan ang pagsasama nila ni Aljur, 31.
Pahayag ni Kylie: “Every family goes through a lot of challenges and sometimes, we think that it is the couple that goes through the ordeal.
"We forget the kids and the people that are involved in the family.
“In the past few months, our family has gone through the process of recovering, healing, and moving on.”
Humihingi si Kylie ng pang-unawa sa naging desisyon nilang mag-asawa para na rin sa kapakanan ng dalawang anak nilang lalaki—sina Alas Joaquin, 4, at Axl Romeo, 1.
Dagdag pa niya: “All we need right now is respect—first and foremost, on the decisions we have made as a family and respect for each and every member of our family—to Aljur who is the father of my two wonderful boys, most especially to Alas and Axl…”
Sinisikap daw nilang mag-asawa na magkaroon ng maayos na pakikitungo sa isa’t isa bilang mga magulang ng kanilang mga anak.
Umaasa rin daw si Kylie na maging mas mabuting silang tao dahil sa karanasan nilang ito.
Aniya, “Aljur and I are working on a healthy co-parenting relationship together for our boys’ sake.
“We pray and hope that we will become better persons through this experience and will bring out the best in all of us.
“Thank you for your love and support.”
Unang pumutok ang hiwalayan ng dalawa Pebrero ngayong taon.
Hanggang sa inamin na mismo ng ama niyang si Robin Padilla na naghiwalay na nga sina Kylie at Aljur.
Ikinasal ang dalawa noong December 2018.
