Long Mejia calls out Ellen Adarna for "unprofessionalism"; wants her to apologize for walking out

by Jojo Gabinete
Aug 4, 2021
Long Mejia Ellen Adarna walkout issue
Long Mejia on his version of Ellen Adarna leaving the set of John en Ellen without finishing her scenes: "Si Ellen Adarna, hindi pa siya sikat, ha? Mali yung ginawa niya, umalis siya sa gitna ng eksena. Ang salita niya lang sa isang production staff na nadaanan niya, 'Bye!' Ano ‘yon?" Seen here are some cast members of the show including Long, Ellen, John Estrada, Ronaldo Valdez, and Angelina Cruz.
PHOTO/S: Courtesy: CTTO / JOHN EN ELLEN FACEBOOK

Mahigit sa dalawampu’t limang (25) taon nang artista ang komedyanteng si Long Mejia, at ipinagmamalaki nitong nakatrabaho niya ang mga sikat na personalidad sa local entertainment industry.

Kabilang dito ang yumaong Comedy King na si Mang Dolphy, ang yumaong multi-awarded actor na si Eddie Garcia, at ang first Filipina Miss Universe na si Gloria Diaz.

Pero ngayon lamang daw nakakita si Long ng katulad ni Ellen Adarna, na aniya'y unprofessional at walang malasakit sa mga kasamahan sa programa.

Cast member si Long ng John En Ellen, ang sitcom ng TV5 na pinagbibidahan nina John Estrada at Ellen.

Saksi umano si Long nang mag-walkout si Ellen noong June 25, ang last day ng lock-in taping ng programa.

Una itong naiulat ng Cabinet Files sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Martes ng gabi, Agosto 3.

Sa hiwalay na ulat ng PEP Troika nitong Miyerkules, Agosto 4, pinabulaanan ni John ang insidente, at sinabing tapos na raw kunan ang mga eksena ni Ellen nang umalis ito sa set.

Continue reading below ↓

Sinabi naman ni Derek na wala siyang ideya sa walkout incident sangkot ang fiancée.

Sa pagkakaalam daw ni Derek ay pack-up na si Ellen nang umalis ito matapos ang lunch time noon.

Naglabas na rin ng official statement ang manager ni Ellen na si Danel Calixto upang pabulaanan ang aniya’y “false and fabricated accusations” laban sa aktres ng ilang websites “that chose to cite anonymous sources.”

Kinumpirma naman ng manager ni Ellen na hindi na babalik sa programa ang aktres, ngunit hindi dahil sa diumano'y "attitude problem" nito. Desisyon daw nila ito at hindi ng produksiyon.

LONG MEJIA CONFIRMS ELLEN'S WALKOUT

Pero ibang-iba ang paliwanag nina John, Derek, at ng manager ni Ellen sa kuwento ni Long Mejia.

Hindi napigilan ni Long ang sariling maglabas ng sama ng loob nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nitong Miyerkules, Agosto 4.

Prangka at dire-diretsong pahayag ni Long: "Sa totoo lang, ako ang artista na hindi masyadong pinupuna ang lahat. Pero kapag mali na pala yung ginagawa, makakasagot ka talaga.

Continue reading below ↓

"Ngayon lang ako nakaranas nang ganyan.

"Malalaking artista ang mga kaibigan at nakakatrabaho ko. Nakikita niyo naman ang mga kaibigan natin, may Luis Manzano tayo, may John Estrada.

"Ang dami at mas sikat, may pangalan kesa kay Ellen Adarna.

"Si Gloria Diaz, nakaeksena ko na. Ang tagal kong nakasama si Gloria Diaz, ni wala akong nakita na ganoong attitude. Kilala naman natin yung Gloria Diaz.

"Si Mang Dolphy, sidekick niya ako sa Home Along Da Airport, walang ganoong attitude.

"Si Tito Eddie Garcia, nakasama ko. Napahiya pa ako diyan, ako pa ang na-late sa set."

Patuloy ng veteran comedian, "Si Ellen Adarna, hindi pa siya sikat, ha?

"Mali yung ginawa niya, umalis siya sa gitna ng eksena.

"Ang salita niya lang sa isang production staff na nadaanan niya, 'Bye!' Ano ‘yon?"

Ang diumano’y pag-walkout ni Ellen sa last taping day ng season two ng John En Ellen ang puno’t dulo ng pagsasalita ni Long.

Continue reading below ↓

Kinumpirma niyang nangyari ang insidente noong June 25 sa set ng sitcom sa isang resort sa Laiya, Batangas.

Hindi raw maintindihan ni Long kung bakit hindi man lang isinaalang-alang ni Ellen ang mga kasamahan sa show.

"Hindi naman kami nagkikikibo, pero kapag ganito ang nangyari, nakaapekto sa show namin.

"Napakaraming tao ngayon ang nangangailangan ng trabaho dahil sa kagagawan niya.

"Yun ang nangyari. Hindi ba siya nahihiya?

"Nahihiga siya sa pera, e, yung mga kapwa niya... Kumakain siya ng bulalo. Bulalo ang ulam mo, tapos yung ibang crew, noodles ang kinakain?

"Wala siyang ginawa kundi magsolo agad."

Ipinunto ni Long na responsibilidad daw ni Ellen na tapusin ang eksena nito dahil bahagi ito ng trabaho.

Prangkang pahayag pa rin ni Long: "Samantalang sa totoo lang, kahit saan natin sipatin, kahit saan natin silipin, hindi siya puwedeng umalis dahil bayad siya noong araw na ‘yon, bayad siya!

"Kailangang tapusin niya ang taping kasi bayad siya.

Continue reading below ↓

"Pagkatapos, hindi ka man lang nagpaalam sa amin.

"Huwag na sa akin dahil sino ba naman ako? Mahiya siya kay Ronaldo Valdez! Umalis siya at ang naiwang eksena niya, isa sa pinakamahalaga.

"Ayun, umalis siya na kasama niya yung utility niya, yung PA, si Derek Ramsay!"

Long Mejia Ellen Adarna walkout issue

Continue reading below ↓

LONG CLAIMS DEREK WITNESSED ELLEN'S WALKOUT

Si Derek ang fiancé ni Ellen.

Hindi naiwasan ni Long na banggitin ang pangalan ni Derek at idamay ito sa isyu.

Ayon sa veteran comedian, nasa lock-in taping din si Derek at nasaksihan umano nito ang nangyari pero hindi nito pinigilan ang aktres.

Hinaing ni Long: "Ang masakit, kaibigan pa ni John Estrada si Derek Ramsay. Nagkakilala sina Derek at Ellen dahil kay John at sa John en Ellen.

"Itong si Derek Ramsay, kung makakausap ko ito, kung alam niya ang pagiging propesyunal, sinabihan niya dapat si Ellen ng 'Huwag ka munang umalis. Tapusin mo ‘yan nang maayos.'

"E, aalis ka nang biglaan, tatarantahin mo ang production. E, di nataranta ngayon ang mga tao. May eksena na pamilya, wala siya.

"Tapos ang mabigat diyan kay Derek Ramsay, dun nakatuloy sa kuwarto ni Ellen. E, production ang nagbabayad nun. Nandoon sila, nandoon yung Derek Ramsay."

Continue reading below ↓

Kinuwestiyon ni Long kung bakit nagmamadali sa taping si Ellen gayong naroon naman daw ang fiancé ng aktres.

Pareho raw artista sina Derek at Ellen kaya inasahan ni Long na maiintindihan ng mga ito ang kanilang trabaho.

Dire-diretso at walang patlang na litanya ni Long: "Kasi ang dapat, kung may kahihiyan ka, bakit ka doon tutuloy sa kuwarto na tinutuluyan namin?

"Kumuha ka ng ibang kuwarto mo, lumayo ka. E, hindi, nandoon ka, hindi ka bumababa. Tapos patingin-tingin ka?

"O, di ang nagbabayad ng kuwarto mo, ang production, dahil ‘yon ang tinutuluyan ni Ellen Adarna.

"Si Ellen Adarna, parang lagi siyang nagmamadali sa taping. Gusto niya siguro magkita na agad sila ni Derek Ramsay.

"E, ako kasi, wala akong pakialam dun. E, tao na umiibig ‘yan, e. Ang gusto ko nga, sana silang dalawa na.

"Ang ano ko lang, dapat inihihiwalay nila ang pag-ibig sa trabaho. Hindi yung ginawa mo na umalis ka nang wala kang paalam.

Continue reading below ↓

"Kasi sa totoo lang, kung babatasin natin, hindi ka puwedeng umalis sa taping. Bayad ka, may pinirmahan ka, bayad ka sa araw na ‘yon.

"Hanggang sa matapos ang taping, bayad ka. Hangga’t may eksena ka, hindi ka aalis.

"Hindi naman libre ‘yon, hindi naman 'Thank you, Ellen' iyon.'"

Long Mejia walkout issue

Continue reading below ↓

LONG IS WILLING TO FACE DEREK

Paano kung mag-reach out o makipag-usap si Derek para matuldukan na ang isyu?

Sagot ni Long, handa siyang sabihin ang kanyang saloobin sa harap ni Derek.

"Kung kakausapin niya ako nang live, haharap ako! Sasabihin ko talaga, totoo lahat.

"At kapag ako may sinabi na mali, magdemanda sila, kasi ang sasabihin ko ay pawang katotohanan lamang."

Tukoy pa rin niya kay Derek, "Pumunta siya sa akin. Kung gusto niya, magkita pa kaming dalawa..."

Tingin ni Long, may kakayahan sana si Derek na kumbinsihin noon si Ellen na manatili sa set at tapusin ang natitirang eksena nito.

"Hindi naman sa hinahamon ko si Derek Ramsay. Kaibigan niya si John Estrada.

"Dapat ang payo niya kay Ellen na nag-aaya na umuwi na, dapat ang salita niya, 'O mahal, tapusin mo muna itong eksena mo. Nakakahiya kina John Estrada, sa cast, sa crew.'

"Mahiya na lang si Derek Ramsay kay John Estrada."

Continue reading below ↓

LONG WANTS ELLEN TO ISSUE AN APOLOGY

May mensahe ba siya para kay Ellen?

Sagot ni Long: "Ang mensahe ko kay Ellen, sana maramdaman niya yung mga katrabaho niya.

"Maramdaman niya, bigyan niya ng halaga, mga tao ‘yon. Mga tao ‘yon na naghahanap lang ng mga trabaho.

"Huwag niyang idamay sa personal niya.

"Sa madaling-salita, maging propesyonal siya.

"Alam naman ng mga crew na hindi siya binastos, pero anong ginawa niya? Ang tawag doon, pambabastos!"

Diniretsa muli ni Long na hindi raw tama ang basta na lang pag-alis ni Ellen sa set nang di tapos ang eksena nito.

"Papagandahin lang natin ang salita, pero ang totoo, pambabastos ‘yon.

"Kaya ako, hindi ako naniniwala na ang pag-aaral, hindi porke’t mataas ang pinag-aralan mo, e, ganoon ang pagkatao mo. Hindi rin pala.

"Ako, mababa lang ang pagkatao ko pero hindi ko kayang gawin ‘yon. Masama ang loob ko pero tatapusin ko yung shoot namin."

Continue reading below ↓

Giit pa ni Long: "Dapat mag-apologize si Ellen. Dapat niyang gawin ‘yon para mapatunayan niya na siya, sila ni Derek, mga propesyunal."

ELLEN NO LONGER PART OF JOHN EN ELLEN SEASON 3

Sa kabilang banda, nabanggit ni John sa ulat ng PEP Troika na totoong aalis na ng show si Ellen dahil prayoridad nito ang pamilya.

Tapos na ang season two ng programa, at inaayos na ang season three nito.

May hiwalay ring sources ang PEP Troika na nagsabing hanggang unang season lang ang orihinal na usapan nang tanggapin ni Ellen ang proyekto. Pero napapayag daw si Ellen na gawin ang season two.

Maayos din daw napag-usapan na hindi na kasali ang aktres sa season three.

Mananatiling bukas ang PEP.ph sa anumang pahayag ng mga personalidad na nabanggit sa artikulong ito.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Long Mejia on his version of Ellen Adarna leaving the set of John en Ellen without finishing her scenes: "Si Ellen Adarna, hindi pa siya sikat, ha? Mali yung ginawa niya, umalis siya sa gitna ng eksena. Ang salita niya lang sa isang production staff na nadaanan niya, 'Bye!' Ano ‘yon?" Seen here are some cast members of the show including Long, Ellen, John Estrada, Ronaldo Valdez, and Angelina Cruz.
PHOTO/S: Courtesy: CTTO / JOHN EN ELLEN FACEBOOK
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results