Ellen Adarna's manager denies reported walkout issue, alleged attitude problem of actress

by Rachelle Siazon
Aug 4, 2021
Excerpt from the official statement of Ellen Adarna's manager Danel Calixto: "Ms. Adarna has shown over the years during her time in local showbiz that she is a professional, loyal and hardworking team player who values everyone's time, including her own." Seen in the photo is a scene between co-stars Ellen and John Estrada.
PHOTO/S: @maria.elena.adarna Instagram / John en Ellen Facebook

Mariing pinabulaanan ng kampo ni Ellen Adarna ang isyung nag-walkout umano ang aktres sa set ng John en Ellen nang hindi pa tapos ang kanyang mga eksena.

Ang John en Ellen ang TV5 sitcom na pinagbibidahan nina Ellen at John Estrada. Nagsimula itong umere noong April 10, 2021.

Noong Martes ng gabi, Agosto 3, inulat ng Cabinet Files sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na isang insider mula sa produksiyon ang nagsalaysay tungkol sa pag-alis umano ni Ellen sa set kahit may mga natitira pa siyang eksena.

Nangyari raw iyon sa huling araw ng lock-in taping ng show sa isang resort sa Laiya, Batangas, noong Hunyo 25.

Nakipag-ugnayan ang PEP.ph sa nagpakilalang manager ni Ellen na si Danel Calixto upang hingan ng opisyal na pahayag ang aktres.

Tinanong namin kung ano ba ang nangyari noong araw na umalis si Ellen sa set ng John en Ellen, at kung aware ba siya sa isyung umalis ang aktres nang hindi pa tapos ang kanyang trabaho.

Continue reading below ↓

Ayon kay Danel, walang katotohanan ang alegasyong nag-walkout si Ellen sa set ng sitcom.

Ito ang kabuuang pahayag ni Danel hinggil sa isyu:

"I would like to take this moment to reach out to everyone and address the recent false and fabricated accusations against my client, Ms. Ellen Adarna.

"These untruthful and upsetting allegations against Ms. Adarna were churned out by websites that chose to cite anonymous sources.

"While it is true that Ms. Adarna will not be returning to John en Ellen, it was a decision made by us, and not by the production team because of her alleged 'attitude problem.'

"Ms. Adarna has shown over the years during her time in local showbiz that she is a professional, loyal and hardworking team player who values everyone's time, including her own.

"In fact, Ms. Adarna's leading man and line producer of the show, Mr. John Estrada, has issued a statement, saying that Ms. Adarna did not walk out from taping.

Continue reading below ↓

"His understanding was that Ms. Adarna was already done with the shoot that day.

"We are fortunate to have had an overwhelming ammount of support from people, and we are thankful to those standing by the side of Ms. Adarna."

Binanggit din ni Darnel sa kanyang IG post ang ulat ng PEP.ph na may titulong: "Ellen Adarna, totoo bang nag-walkout sa last day ng lock-in taping ng John En Ellen?"

WHAT HAPPENED ACCORDING TO SITCOM INSIDER

Taliwas ang pahayag ng manager ni Ellen sa naunang ulat ng Cabinet Files sa PEP.ph tungkol sa isyu.

Ayon sa source ng Cabinet Files, sinabi raw ni Ellen na puwede lamang siyang magtrabaho hanggang alas-dose ng tanghali dahil uuwi na sila ng fiancé nitong si Derek Ramsay.

Pero hindi raw natapos kunan ang mga eksena ni Ellen sa oras na itinakda nito dahil kailangan ng production staff na kumain muna.

Pagdating ng 1 p.m., iniwanan umano ni Ellen ang set, kinuha ang kanyang mga gamit, at umalis.

Continue reading below ↓

Hindi umano nagpaalam nang maayos si Ellen sa executive producer, supervising producer, at direktor ng show.

Ayaw naman daw palakihin ni John ang isyu.

Si John ang leading man ni Ellen at isa sa line producer ng programa.

Matalik ding kaibigan ni John si Derek at siyang naging daan upang magkakilala ang ngayo'y engaged couple.

Sinasabing nagpatawag umano ng pulong si John para sabihin sa production staff na huwag nang ipagkalat ang insidente.

JOHN ESTRADA AND DEREK RAMSAY’S STATEMENT

Sa hiwalay na ulat ng PEP Troika, dinepensahan ni John si Ellen at sinabing hindi totoong nag-walkout ang aktres sa kanilang lock-in taping.

Tila ito ang binanggit ng manager ni Ellen na pagtatanggol ni John sa leading lady.

Kinumpirma rin ni John na hindi na kasali si Ellen sa season three ng sitcom, pero wala raw iyon kinalaman sa lumabas na isyu.

Noong Agosto 1, Linggo, umere ang last episode ng Season 2 ng John en Ellen.

Continue reading below ↓

Sabi ni John sa PEP Troika: "Hindi totoo nag-walkout… pack up na talaga siya nun.

"Pero totoo na aalis na siya because priority niya ang anak niya at siyempre mag-aasawa na, so pamilya ang priority.

"Naintindihan naman namin. Aalis na siya sa show."

Nahingan din ng PEP Troika ng panig ang fiancé ni Ellen na si Derek via Morly Alinio ng DZRH.

Ayon kay Derek, totoong sinundo niya si Ellen sa set ng John en Ellen, pero wala raw siyang ideya sa sinasabing walkout issue sangkot ang fiancée.

Ang pagkakaalam ni Derek, umalis si Ellen matapos ang last scene nito sa sitcom.

Paliwanag ni Derek: "Ang alam ko lang, binigyan siya ng 12 o’clock lunchtime… lumagpas pa nga ng lunch, tapos last eksena na niya, umuwi na siya.

"Ako pa nga ang nag-drive sa kanya pauwi."

Nananatiling bukas ang PEP.ph sa anumang pahayag ng mga personalidad na nabanggit sa artikulong ito.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Excerpt from the official statement of Ellen Adarna's manager Danel Calixto: "Ms. Adarna has shown over the years during her time in local showbiz that she is a professional, loyal and hardworking team player who values everyone's time, including her own." Seen in the photo is a scene between co-stars Ellen and John Estrada.
PHOTO/S: @maria.elena.adarna Instagram / John en Ellen Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results