Girlfriend reveal?
Ito ang kilig na reaction ng maraming celebrities at netizens sa bagong post sa Instagram ni Dominic Roque ngayong gabi ng Huwebes, August 5.
Makikita sa post ni Dominic ang apat na sweet photos nila ng aktres na si Bea Alonzo.
Kuha ang mga larawan sa Napa Valley, California kung saan nagbakasyon ang dalawa nitong July.
Sabi ni Dominic sa caption: “Lover [musical notes emoji]”
View this post on Instagram
Nagkomento naman dito si Bea ng “Hi!!! [smiling face with heart-shaped eyes emoji]”

Kinilig naman ang ilang celebrity friends nina Dominic at Bea sa post na ito ng aktor.
Sabi ni I.C. Mendoza, “ANO NA MGA KAPITBAHAY?! SINO GUSTONG WATER JAN [two smiling faces with heart-shaped eyes emojis]”

Ayon naman kay Denise Laurel, “Love is so beautiful [heart emoji]”

Komento naman ni China Cojuangco, “Cuties! [smiling face with heart-shaped eyes emoji]”

Sabi naman ni Gretchen Ho, “So happy for you Dom [slightly smiling face emoji]”

Isa sa mga labis na natuwa sa post ay ang tiyahin ni Dominic na si Beth Tamayo.
Komento ng dating aktres, “Tamis ng asukal sa Napa! Lol.”

Matagal nang napapabalitang magkarelasyon sina Bea at Domic ngunit wala pa silang direktang pag-amin sa tunay na estado ng kanilang relasyon.
Use these Lazada vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.
