Pictures don’t lie.
Kaya naman hindi na rin itinago ni Bea Alonzo, 33, ang tunay na namamagitan sa kanila ni Dominic Roque, 31.
Sa mga larawang ibinahagi nila sa kani-kanilang Instagram accounts, hindi maitatatwang hindi lamang pagkakaibigan ang mayroon sa kanila.
Pahayag ni Bea sa exclusive interview sa kanya ni Nelson Canlas ng 24 Oras nitong Lunes, August 9, hindi niya plinano kung kailan sila aamin ni Dominic sa publiko.
Saad ng bagong Kapuso actress, “It wasn't as if, like, masyado ko siyang plano or masyado ako nag-hold back. It just came out naturally."
Aminado rin siyang hindi ganun kadali ang pag-amin niyang sila na nga ni Dominic.
"It's not like I was trying to hide it. I think I was trying to be careful given my past experience.
"Siyempre, gusto kong masiguro muna kung saan siya pupunta bago siya gawing official.
"We only live once and happiness is best when shared. I want to share my happiness.”
"MASYADO AKONG CAREFUL."
Marami raw natutunan si Bea sa mga dati niyang karanasan, lalo na sa pakikipagrelasyon, kaya naging maingat siya sa pagkakataong ito.
Saad niya, "Given my experience ‘no, masyado akong careful.
"I'm afraid na magkamali in front of the public, e, ganun talaga ang buhay.
"Minsan nagkakamali, bumabangon ka, and then you learn from your mistakes and then you move on."
Dagdag pa ng dating Kapamilya star, kung kinilig ang netizens sa mga nakikita sa mga larawang ibinahagi nila ni Dominic, mas lalo pa raw sa mga hindi nila nakikita.
Aniya, "Even sa mga past relationships ko, hindi naman ako super open about it.
"I think most treasured moments ng isang relationship ay yung moments na hindi nasi-share sa social media.
"And I want to keep it that way."
Ilang beses nang nagbigay ng pahiwatig sina Bea at Dominic sa publiko ukol sa totoong estado ng relasyon nila.
Noong Huwebes, August 5, nag-post si Dominic ng super sweet photos nila ni Bea na kuha sa Napa Valley, California.
Tanging caption ng aktor: “Lover.”
Ang huling nakarelasyon ni Bea ay si Gerald Anderson kung saan nauwi sa bad breakup ang kanilang relasyon dahil sa diumano’y third party noong July 2019.
Ang itinuturong third party ay si Julia Barretto, pero mariin niya itong pinabulaanan.
Noong March 2021, inamin ni Gerald na may relasyon nga sila ni Julia ngunit hindi niya sinabi kung gaano na sila katagal.
Use these Lazada vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.
