Bea Alonzo reveals relationship with Dominic Roque started “few months ago lang”

by Arniel C. Serato
Aug 17, 2021
Bea Alonzo on boyfriend Dominic Roque being "hindi pasakit ng ulo": "So far, hindi naman. Sana hindi niya nga pasakitin yung ulo ko, pero mukhang hindi naman."
PHOTO/S: Courtesy: @beaalonzo / @dominicroque on Instagram

Ilang buwan pa lang ang relasyon nina Bea Alonzo, 33, at Dominic Roque, 31.

Ito ang sinabi ni Bea nang makausap siya ng editorial team ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa PEP Exclusives ngayong araw ng Martes, August 17.

Ayon sa bagong Kapuso actress, “Few months lang talaga kami naging official, but we have been dating.

“Pero yung officially, few months ago lang.”

Noong Marso 2021, tahasang sinabi ni Bea kay Ethel Booba sa vlog nito na ang gusto niyang susunod na boyfriend ay yung hindi pasakit sa kanyang ulo.

Saad ng aktres sa vlog ng komedyana, “Oo, yung hindi masakit sa ulo.

“Ayoko na ng sakit sa ulo. Ayoko na, pagod na pagod na ako sa sakit sa ulo.”

Tinanong nang PEP.ph in kung hindi naman ba pasakit sa ulo niya si Dominic?

Tugon ng aktres, “So far, hindi naman. Sana hindi niya nga pasakitin yung ulo ko, pero mukhang hindi naman.

Continue reading below ↓

“Mukhang hindi naman kasi magkaibigan naman kami noon pa.

"Kilala ko naman siya, and alam ko na honest naman siya at hindi naman siya, alam mo yun, he’s not out there to hurt women.

“So sana, sana."

Dagdag pa ni Bea, "Pero siyempre hindi naman ako... I can’t see the future, kasi baka mamaya interbyuhin niyo naman ako, mapapahiya na naman ako.

“I can’t speak for him, but so far... but the mere fact that I choose to be in a relationship with him, and to allow myself to love him, that means naman siguro and medyo careful naman ako this time.

“Sana, sana hindi mangyari yun.”

LOVE LANGUAGE

Aminado si Bea na hindi siya ang unang girlfriend ni Dominic sa showbiz. Pero hindi na siya nagkuwento ukol pa rito.

Sa panayam ng GMA News kahapon, August 16, inisa-isa ni Bea ang mga ugaling nagustuhan niya sa boyfriend.

Ilan dito ay ang pagiging maaalaga, matapat, at mapagmahal sa pamilya ni Dominic.

Continue reading below ↓

Idinetalye ni Bea sa PEP.ph na likas na sweet sa kanya ang nobyo.

Matamis ang ngiting paglalarawan pa ni Bea: “'Yon talaga yung love language niya, maalaga talaga siya, maserbisyo siya, alam mo yun?

“Kung makikita niyo nga sa vlog ko, talagang sinusubuan niya pa ako.

"'Yon yung love language niya, talagang nagdadala siya ng pagkain, kadalasan pinagpi-prepare pa niya ako ng pagkain.

“And the things I didn’t even know I needed, dadalhin na lang niya. Maliliit na bagay—yung kable ng ganito or like different things.

“Talagang maalaga siya at maalalahanin. So that’s his trait that I love.”

Ngayon lang ba niya naranasan ang ganito?

Humahalakhak na sagot ni Bea: “Medyo naninibago nga ako, e. Hindi ako sanay. Ganito pala yung feeling na inaalagaan!”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bea Alonzo on boyfriend Dominic Roque being "hindi pasakit ng ulo": "So far, hindi naman. Sana hindi niya nga pasakitin yung ulo ko, pero mukhang hindi naman."
PHOTO/S: Courtesy: @beaalonzo / @dominicroque on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results