Bea Alonzo happy about positive reaction to her relationship with Dominic Roque

by Arniel C. Serato
Aug 16, 2021
Kapuso actress Bea Alonzo on boyfriend Dominic Roque: "I appreciate na never siyang nag-best foot forward. He's just really honest, which I appreciate very much.”
PHOTO/S: Courtesy: Bea Alonzo on YouTube

Masayang-masaya si Bea Alonzo na positibo ang reaksiyon ng mga tao sa pag-amin nila ni Dominic Roque sa kanilang relasyon.

Matapos ang ilang buwang haka-haka, umamin sa wakas si Bea na boyfriend na nga niya si Dominic noong August 9.

Sa panayam ng GMA News kay Bea nitong August 14, inihayag ng 33-year-old actress ang kanyang kagalakan na maganda ang pagtanggap ng publiko sa pag-iibigan nila ni Dominic.

Pero paglilinaw ng aktres, hindi niya plinano na ilantad ang totoong estado nila ng 31-year-old actor.

Saad niya, “It wasn't planned at all. Ewan ko, parang I felt it was the right moment, or maybe because I was feeling it.

“Sa totoo lang, nung birthday niya, unang-unang post na lumabas kasi nasa [Instagram] Stories niya.

“Kasi nag-i-Story siya, obviously hindi niya ako pinapakita kasi nga hindi naman kami ganun. I just grabbed his phone and I started recording and posted it.

“So, may mga ganung moments na, 'I-share ko kaya 'to? This is such a precious moment.'

Continue reading below ↓

"Then, parang nagtuluy-tuloy na lang from there.”

Sa kanilang pag-amin, kinilig ang marami na sa wakas ay naging public na ang kanilang pagmamahalan.

Sabi ni Bea tungkol dito, “I'm just happy na maraming kinikilig.

"I mean, anything that would make another person's life lighter, why not, di ba? Bakit mo naman hindi ibibigay?

“I'm just happy na maganda yung pagtanggap nila.”

DOMINIC ROQUE’S TRAITS THAT ENDEARED HER

Sa nasabi ring panayam, in-enumerate ng aktres ang ilang katangian ng nobyo na nagpamahal sa kanya sa binata.

Sabi ni Bea, “He's very caring. He really takes care of me, hindi nga ako sanay, e.

“Sobrang inaalagan niya ako because it's really his love language, service.

“So, talagang pag kumakain kami, talagang pinagsisilbihan ka.

"And then, the things na hindi ko iniisip na kailangan ko, biglang oorderin niya online para lang mas mapagaan ang buhay ko—all those things."

Nagustuhan din daw niya ang pagiging matapat ng binata.

Continue reading below ↓

Saad ng bagong Kapuso star, “Kasi matagal na kaming magkaibigan before nag-turn into something romantic.

"As in years, years pa magkaibigan na talaga kami, and alam ko na talagang mabuting tao siya.

“I appreciate na never siyang nag-best foot forward. He's just really honest, which I appreciate very much.”

Higit sa lahat, ang pagiging mapagmahal daw sa pamilya ni Dominic.

Ani Bea, “He's very loving to his family.

"Makikita mo kasi, di ba, sabi nga nila, dun mo makikita ang pagkatao ng isang lalaki, the way he treats his mom, dad, his siblings, and even his relatives.

“He's very loving and alam ko na that's the authentic him.”

HOT STORIES

Use these Lazada vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso actress Bea Alonzo on boyfriend Dominic Roque: "I appreciate na never siyang nag-best foot forward. He's just really honest, which I appreciate very much.”
PHOTO/S: Courtesy: Bea Alonzo on YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results