PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bea Alonzo on taking the risk with boyfriend Dominic Roque

Bea on Dominic's family: "Mabait sila. Mabubuting tao.”
by Arniel C. Serato
Published Aug 20, 2021
Bea Alonzo on boyfriend Dominic Roque: "What I appreciate about Dom is that he really... I know that he really exerted an effort para magpakilala sa buong pamilya ko. So yun, nakita naman ni Mama na maganda yung intention, siyempre tinanggap talaga ni Mama."
PHOTO/S: Courtesy: @beaalonzo on Instagram

"Worth the risk" para kay Bea Alonzo ang muling pagbubukas ng kanyang puso para sa boyfriend na si Dominic Roque.

Pahayag ng Kapuso actress, “Siguro, if there’s among so many things that I’ve learned through the years about love, siguro natutunan ko that love doesn’t have to be hard.

“And it didn’t feel hard with him. It felt good, it felt easy.

“Siguro 'yon yung main reason why nag-risk ako because it felt easy, it felt good, it felt right.”

Bago naging sila ni Dominic, si Bea ay nanggaling sa isang masalimuot na relasyon. Pinag-usapan nang husto ng publiko ang breakup nila ng aktor na si Gerald Anderson noong kalagitnaan ng 2019.

Ano sana ang ginawa niya noon upang hindi gaanong nasaktan sa natapos na relasyon nila ng ex-boyfriend?

Tugon ni Bea, “Sana hindi ko dinisregard yung red flags. Siguro yun.

“Sabi nga nila, you’re only as blind as you want to be. So ngayon, dapat mas bukas na yung mata ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi naman siya regret, at least ngayon alam ko na.

"Sometimes kasi, pag sinasabi yung mga pangaral sa atin, hindi tayo nakikinig, tapos you experienced it.

“Siguro isa 'yan sa mga dapat ginawa ko noon, na huwag i-disregard ang red flags.”

Nakausap ng editorial team ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Bea para sa PEP Exclusives noong Martes, August 17.

GOOD RELATIONSHIP DYNAMICS

Naipakilala na rin ni Bea si Dominic sa kanyang pamilya, partikular na sa ina niyang si Mary Anne.

May kilig na kuwento ng aktres, “Oo naman, oo naman. Even when we were dating, nakilala niya na si Dom talaga.

“Si Dom kasi maano siya, e, parang niligaw-ligawan din niya si Mama.

“Kasi, at first, takot si Mama kasi galing nga ako sa... may mga past experiences ako na di na natin dapat pag-usapan.”

Hindi raw nakikialam ang ina ni Bea sa kanyang love life, pero naging protective daw ang buo niyang pamilya matapos ang bad breakup nila ni Gerald.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Saad niya, “Alam mo si Mama, never kasi 'yan nakialam sa love life ko.

“Siguro naman may tiwala siya sa akin na, you know, I would always protect myself, to love myself.

“Given what happened in the past, mas ano na siya, mas naging protective na yung buong pamilya ko.

"Kasi siyempre, sila yung iniyakan ko, sila yung naging kanlungan ko.

“So, what I appreciate about Dom is that he really... I know that he really exerted an effort para magpakilala sa buong pamilya ko.

“So yun, nakita naman ni Mama na maganda yung intention, siyempre tinanggap talaga ni Mama.

“I’m happy na naging ganito yung dynamics naming lahat.

"Siyempre, kapag okay sa pamilya mo, magaan sa pakiramdam, magaan lahat di ba?

"Everything follows, ang sarap sa pakiramdam.”

Naipakilala na rin daw siya ni Dominic sa buong pamilya nito.

Ani Bea, "Yes, nakilala ko na sila. And mabait sila. Mabubuting tao.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

View this post on Instagram

A post shared by Bea????Dom (@beadom.fanpage)

Sa ngayon, sasabak na si Bea sa kabi-kabilang guest appearances bilang Kapuso artist.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bea Alonzo on boyfriend Dominic Roque: "What I appreciate about Dom is that he really... I know that he really exerted an effort para magpakilala sa buong pamilya ko. So yun, nakita naman ni Mama na maganda yung intention, siyempre tinanggap talaga ni Mama."
PHOTO/S: Courtesy: @beaalonzo on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results