Ynez Veneracion happy for ex-boyfriend Toto Mangudadatu’s wedding to Sharifa Akeel

by Arniel C. Serato
Aug 24, 2021
Ynez Veneracion ex-lover Toto Mangudadatu wedding
Former sexy actress Ynez Veneracion (left) on ex-partner Maguindanao Second District Representative Esmael “Toto” Mangudadatu's upcoming wedding to Miss Asia Pacific International 2018 Sharifa Akeel: "Happy ako for him. Ok lang naman 'yan na kahit ilang beses siya magpakasal, basta huwag lang niya papabayaan ang mga anak niya."
PHOTO/S: Courtesy: Instagram

Masaya si Ynez Veneracion, 40, nang nakarating sa kanya ang balitang ikakasal muli ang dati niyang partner na si Maguindanao Second District Representative Esmael “Toto” Mangudadatu, 53.

Bukas, August 25, nakatakda ang kasal ni Mangudadatu sa beauty queen na si Miss Asia Pacific International 2018 Sharifa Akeel, 24.

Gaganapin ang Islam wedding nina Mangudadatu at Sharifa sa Al Nor Hotel & Convention Center sa Cotabato City, ganap na ika-10 ng umaga.

“Happy ako for him. Okey lang naman 'yan na kahit ilang beses siya magpakasal, basta huwag lang niya papabayaan ang mga anak niya.

“Sana manatili siyang responsableng ama sa mga anak niya,” pahayag ni Ynez sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong Martes, August 24.

Ayon sa aktres, responsableng ama si Mangudadatu at natutugunan nito ang sustento para sa anak nilang si Princess Keilah del Rosario, 10.

Dagdag pa ni Ynez, tumawag pa si Mangudadatu sa kanya nang nalamang buntis siya sa kanyang ikalawang anak.

Continue reading below ↓

Ang ama ng kanyang pangalawang anak ay ang non-showbiz boyfriend niyang si Julius Recto, 27.

“Yes, friends kami. Nagulat nga siya nung nalaman niya na buntis ako.

“Tumawag bigla at tinanong kung sino daw ang tatay, and I guess happy naman din siya para sa akin.”

“HINDI KO KAKAYANIN MADAMI KAMING ASAWA”

Taong 2010 nang napabalitang nagdi-date at nagkaroon ng relasyon si Ynez at ang noo’y Maguindano governor pang si Mangudadatu.

Makalipas ang isang taon, noong 2011, isinilang ni Ynez ang anak nila ni Toto.

Niyaya rin ba siya ng kasal ng prominenteng pulitiko mula sa Mindanao?

Sagot ng aktres, “Oo. Niyaya ako.

“Sabi ko, ‘Saan tayo papakasal?’

“Ako daw bahala, ako daw ang mag-ayos.”

Bakit hindi sila natuloy ikasal?

Paliwanag niyang natatawa, “Pero, hindi ko inayos.

“Kasi alam ko naman na maghihiwalay din kami dahil hindi ko kakayanin na madami kaming asawa.”

Pinapayagan ang isang Muslim na magkakaroon ng hanggang apat na asawa.

Continue reading below ↓

Bukod sa ayaw ni Ynez na madami sila, binantaan pa diumano siya ng isa sa asawa ni Mangudadatu noon.

Lahad niya, “Plus, nangti-threat na yung pangatlong wife niya noon.

“Kaya sabi ko, ‘Ayoko ng ganito. Ang dami na nga namin may pangti-threat pa.’

“Okey lang sana kung ako lang, may anak ako, at ayoko madamay anak ko.”

Dagdag pa niya, “Ask niya ako noon kung di ko na daw ba siya mahal.

“Sabi ko, ‘Mahal kita pero siyempre mahal ko anak ko. Pag nawala ako, paano anak natin?'

"At least maayos siya sa financial support."

Mensahe pa niya sa dating karelasyon, “Kaya nga okay lang lahat 'yan, basta masaya ka, huwag mo lang kakalimutan ang mga responsibilidad mo sa mga anak mo.

“Hindi lang para sa anak namin kundi para sa iba ding anak niya.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Former sexy actress Ynez Veneracion (left) on ex-partner Maguindanao Second District Representative Esmael “Toto” Mangudadatu's upcoming wedding to Miss Asia Pacific International 2018 Sharifa Akeel: "Happy ako for him. Ok lang naman 'yan na kahit ilang beses siya magpakasal, basta huwag lang niya papabayaan ang mga anak niya."
PHOTO/S: Courtesy: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results