Mukhang naka-move on na si Jinkee Pacquiao mula sa pambabatikos ng ilang netizens sa kanyang mararangyang kagamitan at kasuoton.
Sa kanyang Instagram Stories kagabi, August 29, nagbahagi si Jinkee sa kanyang followers ng mensahe tungkol sa pagpapatawad.
Pinili raw ng asawa ni Jinkee na magpatawad dahil ayaw niyang maging “prisoner of bitterness.”
Mensahe ng misis ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao: “By choosing to forgive you will not become a prisoner of bitterness.
“When you choose to forgive to those who hurt you, you enslave yourself to the destructive attitudes of bitterness and resentment.
“This attitude will begin to eat at your insides, day in and day out.
“Be free from prison of bitterness.”
Payo rin niya sa kanyang followers, huwag manatili sa hawla ng mga taong may pusong ayaw magpatawad.
Ani Jinkee, “Don’t allow yourself to be held captive by unforgiving heart.
“Remember, when you forgive someone, you set a prisoners free—yourself! [white heart, peace sign emojis]
“I CHOSE TO FORGIVE! [praying hands, white heart emojis]”

Noong Sabado, August 28, nag-viral sa social media ang post ni Jinkee na mamahaling carpet na Fendi Casa.
Batay sa kanyang caption, baka raw isali ang presyo nito sa pag-compute ng news and entertainment organizations sa all-pink outfit-of-the-day (OOTD) niya noong laban ni Manny sa Las Vegas, Nevada noong August 21.
Umabot sa P2.2-M ang kabuuang halaga ng suot na sapataos, damit, alahas, at bag ni Jinkee.
Bunsod nito, may netizens na bumatikos sa kanyang “insensitivity” dahil marami pa ring Pilipino ang patuloy na dumaranas ng kahirapan dahil sa COVID-19 pandemic.
Noong August 26, nag-post ng famous quotes si Jinkee na pasaring sa mga taong sa tingin niya ay walang magawa sa kanilang buhay kaya ang buhay ng iba ang pinag-uusapan.
May patama rin siya sa aniya’y mga “jealous” people.
Samantala, nakauwi na ng bansa ang pamilya nina Jinkee mula Los Angeles, California, ngayong araw, August 30.
Use these Lazada vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.
