Mahal at Mygz Molino, dinalaw si Mura sa Albay; bagong prank ni Boobay, hindi nakakatuwa

by PEP Troika
Aug 16, 2021
Mahal (center) is reunited with Mura (right) after the former visited the latter in Albay with indie actor Mygz Molino (left).
PHOTO/S: Mygz Molino YouTube

GORGY RULA

Dalawang vlog posts ang pinagtiyagaan kong panoorin kahapon, August 15.

Natuwa ako sa vlog ng indie actor na si Mygz Molino kasama ang nali-link sa kanyang komedyanteng si Mahal. Nairita naman ako sa vlog na ipinost ni Boobay.

Ang ganda ng content nitong kay Mygz kung saan nagbiyahe sila ni Mahal by land papuntang Albay para dalawin si Mura.

Ang saya-saya nila sa kotse habang nasa biyahe, hanggang sa inabot na sila ng gabi sa Guinobatan, Albay.

Naligaw sila at hindi na raw nila ma-contact si Mura para mag-guide sa kanila, kaya nagpalipas na lang sila ng gabi.

Kinaumagahan, tumuloy sila sa pagbibiyahe.

Hanggang sa nagkita na sila ni Mura sa bayan para samahan sila paakyat ng bundok, kung saan naroon ang bahay ni Mura.

Continue reading below ↓

Iniwan na nila ang kotse sa ibaba ng bundok dahil hindi na kayang akyatin. Nag-motor sila paakyat, pero sandali lang dahil hindi na rin kaya ng motor.

Kailangan nilang lakarin ang maputik na daan paakyat. Nakapaa na si Mygz dahil madudulas lang daw siya kapag suot ang tsinelas.

Karga ni Mygz si Mahal, at si Mura naman ay karga ng pamangkin niya paakyat.

Continue reading below ↓


Narating nila ang bahay ni Mura, pero hingal na hingal na si Mygz sa pagod dahil halos isang oras at kalahati silang naglakad.

Ang saya ng tsikahan nila, at natanong ni Mygz si Mura kung gusto nitong bumalik sa pag-aartista.

Sagot ni Mura, “Hindi ko pa alam, kasi mahina na ang paa ko, e. Kaya ko pa, pero gusto ko gumaling muna yung paa ko.”

Continue reading below ↓

Wala naman daw ginagawa sa bundok si Mura.

Minsan, tumutulong daw siya sa pagtatanim ng mais. Pero mabagal pa raw siyang maglakad dahil lumiit ang kanyang kanang paa nang na-cast ito pagkatapos niyang naaksidente sa tricycle nung taong 2010.

Mukhang doon na matutulog sina Mygz at Mahal dahil may part two pa ang vlog na yun.

Isang araw pa lang itong na-post ni Mygz sa kanyang vlog, pero mahigit 1.3 million na ang views nito at pawang magaganda ang comments.

Natutuwa sila kung paano alagaan ni Mygz si Mahal, at napakabuting kaibigan ni Mahal kay Mura.

BOOBAY'S VLOG

Noong Linggo rin ipinost ni Boobay ang kanyang vlog kung saan nag-prank na naman siya.

Kasabwat niya rito si Pepita Curtis na kasama niya sa The Boobay and Tekla Show (TBATS). Pinaglaruan nila si Jelai Andres at ang Kapuso sexy actress na si Faye Lorenzo na nasa dressing room nila.

Guests ang dalawa sa TBATS nung Linggo.

Continue reading below ↓

Nagkunwaring nawalan ng wallet si Boobay na may lamang P20,000 at nandun daw ang mga ID niya.

Intense na ang acting na pinagbintangan ni Boobay sina Jelai at Faye na nagnakaw ng wallet niya.

Hinalungkat na ang bag nila pero walang nakitang wallet, hanggang sa nag-alok si Jelai na pahiramin na lang daw niya ng P20,000 si Boobay.

Continue reading below ↓

Nagsisigaw na si Boobay. Mas napagtripan nang husto si Faye na umiyak na dahil sinasabi ni Boobay na iri-report na niya ito sa security ng GMA-7.

Lumabas sila ni Pepita para magsumbong daw sa security, at naiwang nag-iiyak si Faye at natataranta na si Jelai sa pagpapatahan.

Pagpasok nina Boobay, doon na nila sinabing “It’s a prank!”

Continue reading below ↓

Nagsu-sorry si Boobay sa paglalaro niya sa dalawa, pero hindi pa rin maganda.

Kung sa akin niya ginawa ‘yan, baka masipa ko pa siya, at hindi talaga magandang pagbintangan kang magnanakaw.

Sana tigilan na ‘yang kapa-prank sa vlog na hindi talaga nakakatawang pagbintangan kang nagnakaw ng wallet.

Mahigit 600,000 views na itong vlog ni Boobay na ipinost niya noong Linggo.

JERRY OLEA

Nang itampok si Mura o Allan Padua sa Tunay na Buhay ng GMA noong Hulyo 7, 2015 ay inaasam na niyang magbalik-showbiz.

Ngayong panahon ng pandemya, marami ang inactive. Mahirap pang bumalik si Mura sa entertainment scene.

Nakakatuwa siyempre ang pagkikitang muli nina Mura at Mahal.

Masuwerte si Mahal at nakatagpo siya ng Mygz Molino na nag-aaruga at nagmamalasakit sa kanya. Suwerte rin si Mygz kay Mahal.

Sa dinami-dami ng indie movies na ginawa ni Mygz ay hindi siya sumikat, pero dahil kay Mahal, marami ang sumusubaybay sa vlogs niya.

Continue reading below ↓

Tungkol naman sa mga nagpa-prank na kesyo nawalan o ninakawan sila, isapuso sana nila ang aral ng pabula ni Aesop na, “The Boy Who Cried Wolf.”

NOEL FERRER

Kailangan natin ang mga nakakatuwa at inspiring na features like that of Mura and Mygz.

Pero yung kay Boobay na prank, parang pass na muna ako. Parang quota na tayo sa prank na parang nagaganap sa atin sa sitwasyon natin sa COVID, di ba?

Ako, ramdam ko ang takot at pangamba talaga.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mahal (center) is reunited with Mura (right) after the former visited the latter in Albay with indie actor Mygz Molino (left).
PHOTO/S: Mygz Molino YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results