PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Joy Reyes on Paolo Contis-LJ Reyes breakup 

Joy Reyes answers netizens linking her to the breakup of LJ and Paolo.
by Rachelle Siazon
Published Sep 3, 2021
Joy Reyes denies rumors linking her as third party in Paolo Contis-LJ Reyes breakup
Joy Reyes says there is no truth to speculations linking her to the breakup of LJ Reyes and Paolo Contis. Joy insists that she doesn't know Paolo personally.
PHOTO/S: @joyfullyenjoyingjoy / @paolo_contis on Instagram

Mariing pinabulaanan ni Joy Reyes ang pagkakadawit niya sa hiwalayang Paolo Contis at LJ Reyes.

Si Joy ay dating live-in partner ng actor-politician na si Jomari Yllana.

Ang siste, may netizens na binabanggit ang pangalan ni Joy sa gitna ng espekulasyon kung may iba nga bang babae si Paolo habang magkarelasyon sila ni LJ.

Noong September 1, tatlong netizens ang tahasang sinabihan si Joy na siya ang itinuturong third party sa breakup ng longtime couple.

Komento ng netizen sa Instagram post ni Joy (published as is): "Trending ka gurl. Ikaw daw ung 3rd party. Hope its not true. Kawawa lahat ng kids."

Itinanggi ito ni Joy.

Sabi ni Joy patungkol sa isyu (published as is), "that's ridiculous I don't know them personally."

Joy Reyes on Paolo Contis-LJ Reyes breakup

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa isa pang netizen, may kumalat na "blind item" tungkol sa babaeng binibisita umano ni Paolo.

Tinukoy ito ng netizen sa pakikipagpalitan niya ng mensahe kay Joy sa Instagram feed nito.

Saad ng netizen (published as is), "ikaw un blind item na pinupuntahan ni Paolo Contis at nag oovernight pa."

Dagdag pa ng netizen, tingin niya ay tugma iyon sa kuwento ni Jomari tungkol sa isa sa mga personalidad na nauugnay umano kay Joy.

Saad ng netizen (published as is), "nabanggit din kc yan ni Jomari nung may issue si gurl sa naputulan ng meralco ang house nila.

"nasabi un name ni Paolo na nagppunta sa place ni girl."

Mariing itinanggi ulit ito ni Joy.

Ipinahiwatig niyang nagsampa siya ng reklamong libel at paglabag sa Violence Against Women and Children Act kay Jomari dahil sa isyu nila noon.

Sagot ni Joy: "Not true po. And Jomari Yllana is already facing a Cyber Libel case because of that...

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"On top of the VAWC case for all the abuse."

Joy Reyes reacts on rumor linking her to Paolo Contis-LJ Reyes breakup

BACK STORY OF JOMARI's statement about joy's "visitors"

Lumalabas na ang binabanggit ng netizen na rebelasyon ni Jomari tungkol kay Joy ay may kaugnayan sa word war ng dalawa noong Enero 2021.

Pinaratangan ni Joy si Jomari sa hindi raw nito pagtupad sa kanyang tungkulin bilang ama ng kanilang dalawang anak na lalaki.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon kay Joy, naputulan ng kuryente ang kanilang tirahan dahil napabayaan ang kanilang electric bill na umabot ng PHP100,238.38.

Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noon ding Enero, sinabi ni Jomari na bagamat hiwalay na sila ni Joy ay siya ang nagsusustento sa lahat ng pangangailangan ng dalawang anak.

Kasama roon ang bayad sa bahay, pati na bill ng kuryente na aniya'y huli niyang nabayaran noong September 2020.

Pero ayon kay Jomari, ipinagtataka niya kung paano umabot ng higit P100,000 ang accumulated Meralco bill ni Joy mula October hanggang December 2020.

Kinuwestiyon iyon ni Jomari.

Doon din nabanggit ni Jomari ang tungkol sa diumano'y pag-iimbita umano ni Joy ng mga lalaki sa bahay nito.

"There are celebrity figures that visit that house," ani Jomari.

Pero hindi pinangalanan noon ni Jomari ang sinasabi nitong tatlong male celebrities na natuklasan niyang bumibisita kay Joy.

Inilarawan lamang ni Jomari na ang isa ay matinee idol, isa ay versatile actor, at isang kasabayan niya sa showbiz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang yaya raw ng dalawang anak nila ni Joy ang nagsumbong kay Jomari tungkol dito.

Pinalagan iyon ni Joy noon.

Ayon kay Joy, diversion tactic ni Jomari ang pag-ugnay sa kanya sa male celebrity figures "para mapagtakpan ang isyu na hindi masagot nang maayos."

JOY'S best FRIEND REACTS TO THIRD PARTY RUMOR

Balik sa present time, isang Billy Gata ang nagpakilalang best friend ni Joy.

Sa Instagram feed ni Joy, sumingit si Billy para sagutin ang isang netizen na nagtanong kung si Joy ang third party sa hiwalayan nina LJ at Paolo.

Tanong ng netizen (published as is): "Totoo po ba na kayo ang 3rd party sa hiwalayang LJ-Paolo? Nagtatanong langpo."

Sagot ni Billy (published as is): "hi! Good day. Joy and i are bestfriend. The answer to ur question is, no. Hnd magkakilala c joy at paolo."

Inusisa naman ng netizen kung bakit naka-follow si Joy sa IG ni Paolo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paglilinaw ni Billy: "What i mean is hnd sila personally magkakilala. If you notice marami celebrity pinafollow c joy."

Joy Reyes replies to netizen on Paolo Contis-LJ Reyes breakup

Agosto nang mahiwalay sina LJ at Paolo.

August 19 nang mag-unfollow si Paolo kay LJ sa Instagram. Burado na rin noon ang mga litrato nila bilang couple.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

August 22 nang kumpirmahin ng manager ni Paolo na si Lolit Solis na totoong break na sina LJ at Paolo.

September 1 nang umere ang panayam kay LJ kunsaan idinetalye niya ang masalimuot na problemang sumira sa relasyon nila ni Paolo.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Joy Reyes says there is no truth to speculations linking her to the breakup of LJ Reyes and Paolo Contis. Joy insists that she doesn't know Paolo personally.
PHOTO/S: @joyfullyenjoyingjoy / @paolo_contis on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results