Muling pinakilig ni Angelica Panganiban ang kanyang followers at mga kaibigang celebrities sa birthday message niya para sa non-showbiz boyfriend na si Gregg Homan ngayong Martes, September 7.
Sa kanyang Instagram post, nagbahagi si Angelica ng walong larawan nila ng boyfriend na kuha sa loob ng lagpas isang taon nilang relasyon.
Sa caption, tila naging makata ang 34-year-old actress dahil malalim ang naging hugot nito sa kanyang birthday message.
Si Gregg daw ang naging sagot sa marami niyang katanungan noon tungkol sa pag-ibig.
Buong post ni Angelica: “Sa hindi inaakalang pagkakataon, ngunit tinakda ng panahon, nakilala ko ang isang tao na nag bigay kasagutan sa lahat ng bakit ko noon.
“Maligayang bati sa’yong kaarawan mahal ko. Araw araw kitang aalagaan, patatawanin, bubusugin at mamahalin.”
View this post on Instagram
Masaya naman para sa Kapamilya actress ang kanyang celebrity friends na sina Angel Locsin, Bea Alonzo, Isabel Oli, Barbie Imperial, Chynna Ortaleza, Kathryn Bernardo, Glaiza de Castro, Angeline Quinto, at volleyball star na si Alyssa Valdez.


Gayundin sina Paulo Avelino, Sunshine Garcia, Liz Uy, Kim Chiu, Kaye Abad, Direk Antoinette Jadaone, Alyana Asistio, at Kean Cipriano.


Noong July 11 ay ipinagdiwang nina Angelica at Gregg ang kanilang unang taong anibersaryo bilang magkasintahan.
Mensahe ni Angelica sa nobyo noon: “I don’t ever want to be madly in love ever again. I want to be healthy in love, sanely in love, peacefully in love. Happy first year my love, i wuv yew.”
View this post on Instagram
January 1, 2021, unang ipinasilip ni Angelica ang nobyo sa pamamagitan ng pag-post ng kissing photo nila sa social media.
