Miggy Bautista posts sweet photos with Juliana Gomez on her 21st birthday

by Arniel C. Serato
Sep 9, 2021
Miggy Bonnevie-Bautista shares on his Instagram Stories old but sweet photos of him and rumored girlfriend Juliana Gomez on her 21st birthday yesterday, September 8.
PHOTO/S: Courtesy: @miggy_piggy on Instagram

Ipinagdiwang ni Juliana Gomez ang kanyang ika-21 kaarawan kahapon, September 8.

Sa kanyang Instagram, nag-upload siya ng larawan nila ng amang si Ormoc City Mayor Richard Gomez.

Makikita sa larawan na nakasakay si Richard sa isang Vespa motorcycle, na posibleng regalo niya sa anak.

Nakalagay sa caption ni Juliana: “21!”

Sa comments section, marami ang bumati sa anak nina Richard at Leyte Fourth District Representative Lucy Torres-Gomez.

Kabilang sa kanila sina Ben Chan, Charlene Gonzalez, at Winwyn Marquez.

Continue reading below ↓

Sa kanya namang Instagram Stories kagabi din, nag-upload ang napapabalitang boyfriend ni Juliana na si Miggy Bonnevie-Bautista ng dalawang outdoor photos nila.

Mensahe ni Miggy sa unang larawan kung saan makikita silang kumakain, “HBD [red heart emoji]”

Sa isa pang larawan, magkahawak-kamay ang dalawa na naglalakad sa malawak na lupain.

Continue reading below ↓

Walang caption si Miggy dito.

Matagal nang nauugnay sina Juliana at Miggy, pero hanggang ngayon ay wala pang kumpirmasyon mula sa dalawa.

“WE ONLY WANT THE BEST FOR YOU”

Samantala, binati rin si Juliana ng amang si Richard sa Instagram account nito.

Ayon sa actor-politician, nagpapasalamat siya sa sayang dala ni Juliana sa kanilang pamilya.

Continue reading below ↓

Mahal na mahal daw nila ni Lucy ang kanilang unica hija.

Buong mensahe ni Richard: “Happy birthday to my beautiful Juliana!

"I want you to know that you bring so much joy to the family. You are a ray of sunshine every time you show up.

"You never cease to make people laugh. You are a wonderful, happy person.

"Pls take good care of yourself and always remember that mom and I love you so much.

"We only want the best for you and we want you to succeed in life.

"May the good Lord bless you your wishes especially on this beautiful day!"

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miggy Bonnevie-Bautista shares on his Instagram Stories old but sweet photos of him and rumored girlfriend Juliana Gomez on her 21st birthday yesterday, September 8.
PHOTO/S: Courtesy: @miggy_piggy on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results