Walang pag-aalinlangan si Sheryl Cruz, 47, sa pagdeklarang “jojowain” niya si Jeric Gonzales, 29.
Sagot ito ni Sheryl sa “Jojowain o Totrapahin” game challenge sa kanya ng manager niyang si Rams David.
"Jojowain" din ang sagot ng aktres pagdating sa mga Kapuso actors na sina Derrick Monasterio at Benjamin Alves.
"Totropahin" naman ang sagot niya kina Jak Roberto, David Licauco, Dionne Ignacio, Ruru Madrid, at Jason Abalos.
In-upload ang interview kay Sheryl sa YouTube nitong nakaraang September 1, 2021.
Ibinunyag din dito ni Sheryl kung ano talaga ang tunay na namamagitan sa kanila ni Jeric.
SHERYL SPEAKS UP
Hindi matapus-tapos ang usapin tungkol sa tunay na ugnayan nina Sheryl at Jeric matapos nilang maging love team sa GMA teleseryeng Magkaagaw.
Umere ang serye mula October 2019 hanggang March 2021.
Sa vlog, diretsahang inusisa si Sheryl tungkol sa real score sa kanila ni Jeric.
“Well, he’s a very special person to me,” sagot ni Sheryl.
“Atsaka he’s very endearing and very focused sa trabaho niya.”
Sundot ni Sheryl, naniniwala siyang may “connection” at “spark” sa pagitan nila ng aktor.
“I cannot deny the connection kasi, di ba, there’s just some people you just have a spark with,” sabi ng aktres.
Puring-puri ni Sheryl ang talento at dedikasyon ni Jeric bilang isang aktor.
Inalala pa ni Sheryl na maraming beses na silang nagkasama ni Jeric sa mga TV projects dati, pero hindi bilang onscreen partners.
“Ang dami na naming proyekto na pinagsamahan, kaso nga lang hindi lang kami magkasama lagi,” anang natatawang aktres.
Nagkasama sila sa 2014 youth-oriented teleseryeng Strawberry Lane, gayundin sa isang episode ng Magpakailanman.
Nagkasama pa sila ni Jeric sa Brunei noon, para i-shoot ng episode ng drama anthology.
Paniniyak ni Sheryl sa manager na si Rams, hindi niya itatanggi rito kapag may seryoso nang relasyon ang aktres.
Ibinahagi rin ni Sheryl na ilang beses na silang nabiktima ng fake news ni Jeric, gaya ng pagbubuntis.
Sabi ni Sheryl tungkol sa nang-iintriga sa kanila ni Jeric, “Buti sila alam nila kasal na kami or what, nagkaanak na kami...”
Singit ni Sheryl, “Natawa kaming dalawa. We’re just friends at magkatrabaho.”
May pangalawa pa nga raw tsismis na nabuntis siya ni Jeric pero nakunan si Sheryl.
Natatawang sundot ni Sheryl, “Sana yung susunod, sana mabuo na siya.”
Use these GrabFood promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.
