Ellen Adarna shows Derek Ramsay's pamamanhikan, meeting of their families

by Rachelle Siazon
Sep 13, 2021
Soon-to-be-married couple Ellen Adarna and Derek Ramsay fly their families to Siargao for a pamamanhikan prior to their wedding this year.
PHOTO/S: @ramsayderek07 / @maria.elen.adarna Instagram

Pormal nang nakilala nang personal ni Derek Ramsay, 44, ang ina ng fiancée na si Ellen Adarna, 33.

Ito ay makalipas ang halos anim na buwan mula nang ma-engage ang celebrity couple.

Hindi agad nakapamanhikan si Derek sa pamilya ni Ellen dahil sa community quarantine, pero natuloy na rin sa wakas ang pagkikita ng kanilang pamilya nitong Setyembre.

Sa Instagram Story ni Ellen kahapon, September 12, ibinahagi niya ang video kunsaan makikitang magkatabi ang kanyang mommy na si Meriam Adarna at mommy ni Derek na si Remedios Ramsay.

Maririnig ang boses ni Ellen na nagsabing 56 years old si Meriam at 73 si Remedios.

"How our mothers met @ramsayderek07," saad sa caption ni Ellen.

Continue reading below ↓

Ni-repost ito ni Derek at nilagyan ng caption na "#mamanhikan."

Ang pamamanhikan ay Filipino tradition kunsaan pormal na hihingin ng lalake sa mga magulang ng fiancée ang kamay nito para pakasalan.

Mula ito sa salitang "panhik" o pag-akyat ng hagdan ng bahay ng pamilya ng babae.

Base sa tagged location sa Instagram Story ni Ellen, naganap ang pagkikita ng pamilya nila ni Derek sa isang boutique resort sa Siargao.

FAMILY BONDING

Nasa Siargao rin ang ama ni Derek na si Arthur Ramsay at ibang mga kaanak ni Ellen.

Continue reading below ↓

Masayang nakapag-bonding doon ang couple kasama ng mga pinsan ni Ellen.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Agosto, sinabi ni Derek na matagal na nilang pinaplano ni Ellen na magkita ang kanilang pamilya.

Pati mga magulang ni Derek ay excited ding makilala ang mommy ni Ellen.

Dagdag ni Derek: "Si Mommy at si Daddy and si Ellen, sobrang magkasundo. Tapos kasundo ko si Elias.

Continue reading below ↓

"Masaya yung bahay, pag pumasok ka talaga sa bahay, mararamdaman mo."

ELLEN AND DEREK'S WHIRLWIND ROMANCE

Noong Enero 2021 nagkakilala sina Derek at Ellen.

Niyaya noon ni John Estrada si Derek na sumunod sa meeting nila ni Ellen Adarna para sa TV5 sitcom nila na John en Ellen.

Nasundan iyon ng pag-imbita ni Derek sa kina John, Ellen, at ilang piling mga kaibigan na mag-dinner sa bahay niya sa Alabang.

Mula noon ay madalas na ang pagkikita nina Derek at Ellen na nagkataong magkapitbahay din noon.

Naging magkasintahan sila noong February 4, 2021, at na-engage noong March 30, 2021.

Nagkasundo agad ang couple at naging bukas sila sa isa't isa, pati na sa mga bagay na karaniwan ay hindi agad ipinapakita sa taong gusto nila at sandali pa lang nakikilala.

Wala pang isang buwan ay naramdaman daw agad ni Derek na si Ellen ang babaeng gusto niyang makasama habambuhay.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Soon-to-be-married couple Ellen Adarna and Derek Ramsay fly their families to Siargao for a pamamanhikan prior to their wedding this year.
PHOTO/S: @ramsayderek07 / @maria.elen.adarna Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results