Derek Ramsay asked if John Lloyd Cruz is invited to his wedding to Ellen Adarna

by Melba R. Llanera
Aug 24, 2021
Derek Ramsay on whether or not John Lloyd Cruz (right) will be at his wedding to Ellen Adarna: "Di ko alam kung mangyayari yun, pero di dahil sa dahilan na magkagalit si Ellen saka si John Lloyd. They are very civil with one another and they are doing a good job co-parenting Elias."
PHOTO/S: @ramsayderek07 / @johnlloydcruz83 Instagram

Hindi kailang masaya si Derek Ramsay sa piling ng fiancée na si Ellen Adarna.

Sa nalalapit na pagpapakasal nina Ellen at Derek, may mga nagtatanong kung imbitado ba si John Lloyd Cruz.

Si John Lloyd ay ex-boyfriend ni Ellen, at anak nila ang three-year-old na si Elias.

Bukas sa pagsasabi sina Ellen at John Lloyd na maayos ang co-parenting arrangement nila.

Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) via Zoom call, noong August 18, sinagot ni Derek ang tanong kung imbitado ba si John Lloyd sa kasal nila ni Ellen.

Sabi ni Derek, "That's up to Ellen. I wouldn't mind if she decides that she would want him there to see Elias, siya ang ring bearer namin.

"It's perfectly fine for me. Wala namang animosity between John Lloyd and me, so super okay naman sa akin yun."

Kung anu't ano man, nilinaw ni Derek na hindi isyu kung hindi man maimbita o makadalo si John Lloyd.

Continue reading below ↓

Maliit lang daw ang pinaplano nila ni Ellen na wedding celebration.

"Pero yung wedding namin is sobrang liit, sobrang maliit. Talagang very, very intimate, very, very small.

"Di ko alam kung mangyayari yun, pero di dahil sa dahilan na magkagalit si Ellen saka si John Lloyd.

"They are very civil with one another and they are doing a good job co-parenting Elias."

ON ELLEN AND JOHN LLOYD'S CO-PARENTING STATUS

Ang mahalaga ay maayos ang co-parenting arrangement nina Ellen at John Lloyd—bagay na kinumpirma ni Derek.

"They are co-parenting very well.

"When Elias is here, John Lloyd knows his son is safe. When Elias is with John Lloyd, Ellen knows that Elias is safe."

Nasabi rin ni Derek na si John Lloyd ang nag-alaga kay Elias, bilang proteksiyon, noong nag-quarantine si Ellen ng 20 days.

Iyon daw yung panahong lumabas na false positive ang swab test result ni Ellen bago umuwi mula sa taping ng John en Ellen noon.

Continue reading below ↓

Ang John en Ellen ay ang TV5 sitcom na pinagbidahan nina Ellen at John Estrada mula January hanggang August 1, 2021.

Siniguro raw ni Ellen na wala itong COVID-19, kaya tinapos nito ang 20 days na self-quarantine, bago kinuha muli si Elias.

Ani Derek, "Na kay John Lloyd. Ayaw naming magkasakit si Elias. Kahit walang sakit si Ellen, nanigurado na kami."

ELLEN AND DEREk's WEDDING sometime this year

Hindi man gaanong nagbahagi ng detalye tungkol sa planong pagpapakasal, siniguro ni Derek na magaganap ito ngayong taon.

Kumusta ang kanilang wedding planning?

Sagot ni Derek, "Perfect, we're very, very good. We're enjoying our time together.

"Wala kaming stress. Sabi nila, sobrang stress magplano ng kasal, pero kami...

"Natatawa nga yung coordinator sa amin, 'Napaka-easygoing ninyo. Parang walang mga stress.'"

Hindi pa lang daw nila makumpirma ang eksaktong petsa ng kanilang kasal.

"Ayun. Yung stress lang namin siguro yung hindi namin alam ang ruling by then sa petsa ng kasal namin. This year na.

Continue reading below ↓

"But the energy in the house is wonderful, nararamdaman mo. You feel it's a home now."

Masaya si Derek dahil nasa bahay na rin niya sa Alabang ang kanyang mga magulang.

"My parents are finally here.

"Si Mommy at si Daddy and si Ellen, sobrang magkasundo. Tapos kasundo ko si Elias.

"Masaya yung bahay, pag pumasok ka talaga sa bahay mararamdaman mo.

"We just want to do our part to spread positivity."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Derek Ramsay on whether or not John Lloyd Cruz (right) will be at his wedding to Ellen Adarna: "Di ko alam kung mangyayari yun, pero di dahil sa dahilan na magkagalit si Ellen saka si John Lloyd. They are very civil with one another and they are doing a good job co-parenting Elias."
PHOTO/S: @ramsayderek07 / @johnlloydcruz83 Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results