Matapos ang ilang araw na pag-deactivate ng kanyang Instagram account, muling nagbalik si Kim Domingo sa nasabing social media app nitong nakaraang September 11.
Maiksing caption niya sa bago niyang post: “I’m back.”
Sinamahan niya ito ng kanyang larawan na naka-black swimsuit.
View this post on Instagram
Komento ng netizens at celebrities, sana ay maayos na ang kanyang kalagayan dahil noong August 27 ay nagpositibo siya sa COVID-19.
Sunud-sunod pa ang post ni Kim ng mga larawan niyang sexy na kuha ng photographer na si Shaira Luna.
View this post on Instagram
View this post on Instagram
Hindi naman niya sinabi kung negatibo na siya sa virus.
"TRUE COLORS OF THE PEOPLE"
Bago mag-deactivate si Kim ng kanyang account, may makahulugan pa siyang post sa Instagram noong August 31.
Mababasa sa photo message niya ang ganito: “Remember who checked on you when you were struggling.”
Sabi niya sa caption, nagpapasalamat siya sa mga taong nagpadala ng mensahe ng pag-aalala sa kanyang kalagayan.
Hindi raw niya inasahan na yung mga taong inakala niya ay hindi siya importante sa kanila ang una pang nangumusta sa kanya.
Malaking bagay raw ito para kay Kim.
Aniya, “It is during the worst times of your life that you will get to see the true colors of the people who say they care for you.
“Gusto ko lang mag thank you sa lahat ng taong nagmessage,nag alala, at nagpalakas ng loob ko. Sa totoo lang, madami nag message sa akin at nag alala at pinakamadami sa kanila, hindi ko inexpect na kakamustahin pa ako.
“Kung sino pa ang mga nasa huling listahan ng pwedeng kumamusta sakin, ay sila pa ang nauna at pinaka nag-alala.
“Malalim kasi akong tao, yung maliit na bagay para sa iba, napakalaking bagay na para sa akin.
“Gusto ko magpasalamat sa inyong lahat. Pati na din sa mga taong hindi ko personal na kilala. Gusto ko malaman nyo na sobra ko kayo na-appreciate.”
Aminado si Kim na nalulungkot siya sa isolation at napapraning sa kakaisip.
Aniya, “Sabi ng iba ‘Lagnat lang yan covid, wala yan. Kaartehan lang yan.’
Pero iba pala pag ikaw na mismo nakaranas. Nakaka praning, nakakalungkot.
“Kung pwede lang matapos na agad yung isang araw para hindi mo masyado maisip na meron kang covid.
“Iba iba tayo ng pag iisip, merong iba sa inyo kahit siguro magkaroon ng covid hindi makakaramdam ng takot, babaliwalain lang.
“I respect that, pero irespeto din natin yung mga taong nag positive sa covid na nakakaranas ng stress at anxiety.
“Mga napaparanoid, nag ooverthink. Imbis magsabi tayo ng negatibo, palakasin nalang natin ang loob nila. Spread love, not hate. Have a nice day everyone!”
View this post on Instagram
Dahil nagpositibo siya sa COVID, napalitan si Kim sa upcoming GMA-7 series na Love. Die. Repeat., na pinagbibidahan nina Jennylyn Mercado at Xian Lim.
Si Myrtle Sarrosa ang ipinalit ng GMA management kay Kim.
