Lucy Torres, Richard Gomez to switch local posts in 2022 elections; no senate run for Lucy

by Arniel C. Serato
Sep 16, 2021
The Ormoc Development Team announces that Leyte Fourth District Representative Lucy Torres-Gomez will run for Ormoc City mayor in 2022, while her husband Mayor Richard Gomez will vie for her post in Congress.
PHOTO/S: Courtesy: Richard Goma Gomez on Facebook

Hindi matutuloy ang umugong na balitang pagtakbo ni Leyte Fourth District Representative Lucy Torres-Gomez sa pagka-senador.

Sa halip, tatakbo sa pagka-alkalde sa lungsod ng Ormoc si Lucy.

Ang asawa niyang si Richard Gomez, na kasalukuyang mayor ng siyudad, ang tatakbo naman sa babakantehing puwesto niya sa kanilang distrito.

Nasa ikatlong termino na si Lucy sa Kongreso, samantalang pangalawang termino naman ni Richard bilang mayor ng Ormoc.

Kagabi, September 15, inanunsiyo ng City Government of Ormoc Facebook page ang kanilang lineup para sa 2022 elections.

Bunga raw ito ng kanilang pagpupulong ukol sa mga isusulong nilang kandidato sa ilalim ng local party na Ormoc Development Team (ODT).

Nakasaad dito: “The Ormoc Development Team (ODT) is getting ready for the upcoming 2022 election.

“The ODT led by the excellent and strong leadership of power couple Mayor Richard I. Gomez and Congresswoman Lucy Torres-Gomez of Leyte 4th District held an important tram meeting at their Carlota Hills home tonight, September 15.

Continue reading below ↓

“Accordingly, following said meeting, these are the official and final political lineup for the ODT for the upcoming election.

"They are leaders with integrity, have a proven track record, committed to help the Ormoc community and dedicated to progress."

Dito napagdesisyunang si Richard ang tatakbo sa Kongreso, at si Lucy naman ang tatakbong mayor ng Ormoc.

Kasama rin dito ang kanilang lineup sa pagka-board member at city councilors.

Continue reading below ↓

Lumutang ang pangalan ni Lucy na kakandidato umano sa senado.

Una siyang isinama sa team nina Senator Panfilo Lacson at Senate President Tito Sotto sa kanilang senatorial lineup. Tatakbo ang dalawang mambabatas bilang presidente at bise presidente, respectively.

Isinama rin ng ruling party ni President Rodrigo Duterte na PDP-Laban ang pangalan ni Lucy bilang isa sa kanilang unang walong napipisil na tumakbo sa pagka-senador.

Kabilang sina Lucy at Richard sa PDP-Laban, kung saan sina Senator Bong Go at President Duterte ang tatakbong presidente at bise presidente sa 2022.

Wala pang pahayag ang mag-asawang Lucy at Richard ukol dito.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The Ormoc Development Team announces that Leyte Fourth District Representative Lucy Torres-Gomez will run for Ormoc City mayor in 2022, while her husband Mayor Richard Gomez will vie for her post in Congress.
PHOTO/S: Courtesy: Richard Goma Gomez on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results