`
Maraming followers ni Korina Sanchez ang humanga sa kanya dahil sa maganda pa ring hubog ng katawan ng veteran broadcaster.
Sumabay kasi sa uso si Korina sa trending ngayong #howmuchhaveyouchangedchallenge sa social media.
Sa kanyang Instagram kahapon, September 16, ipinost ng 56-year-old broadcaster ang body transformation niya mula noon hanggang ngayon.
Sabi ni Korina sa caption, na-inspire siya sa #howmuchhaveyouchangedchallenge ng dating kasamahan sa ABS-CBN na si Kim Atienza.
“Sali ako. #howmuchhaveyouchangedchallenge [flexed biceps emoji] Inspired by kuya Kim Atienza [grinning squinting face, green heart emojis] #BestLife
“Thanks to the keto diet, Keto Tracker app, daily swimming and K Berry Slim (watch out for the new and improved launch of the product [kiss mark, circled star emojis]” mensahe ni Korina.
View this post on Instagram
POSITIVE COMMENTS
Maraming followers ni Korina ang na-inspire sa kanyang kaseksihan kahit lagpas 50-anyos na ang veteran broadcaster.
Komento ng isa niyang follower, “Sana ol madam k.”
Tugon ng TV magazine show host, “Kaya mo yannn”

May nagsabi naman sa kanyang hindi pa huli ang lahat para ma-achieve ang #bestlife.
Buong komento ng netizen, “Very inspiring. It's never too late talaga. Just do your best to live your #BestLife and you'll get there, tingnan niyo si madame.”
Sagot ni Korina, “Koreeek”

Komento ng isa pang netizen, “Susubukan ko nga po ito, Ms. K. Anlaki ng na gain konh weight.”
Payo ni Korina, “Yes try!”

“Achiever” naman kung ilarawan ng isang netizen si Korina.
“Determination,” sagot ng TV5 personality.

Gayundin ang komento ng isa pa niyang follower. Maganda rin daw ang disiplina nito sa kanyang katawan.
Ani Korina, “Determination!”

Paborito naman daw na journalist ng isa pang netizen si Korina.
Nagpasalamat naman sa kanya ang misis ni dating Senator Mar Roxas.

BITTER NETIZEN
Pero may isang naligaw na basher na tinawag na “Yolanda” at “trying hard” si Korina.
Buwelta naman ni Korina: “Anong koneksyon? Laos ka beh”

Ang “Yolanda” na tinutukoy ng basher ay ang super typhoon na tumama sa Pilipinas noong 2013, kung saan napuruhan ang Tacloban at maraming bahagi ng Visayas.
Noong panahong iyon, ang mister ni Korina na si Mar Roxas ang Department of Interior ang Local Government (DILG) secretary na nangangasiwa sa rehabilitation program ng lugar.
Hindi na rin bago kay Korina ang pumatol sa bashers kaya nabansagan nasiyang “bruha-slayer” dahil lahat ng trolls ay binubuweltahanniya at tinatawag niyang “bruha.”
