Mas tumindi ang paniniwala ng netizens na hiwalay na ang magkasintahang Heaven Peralejo at Kiko Estrada.
Nitong Linggo, September 19, 2021, napansin ng ilang showbiz fans na hindi na rin pina-follow ni Heaven si Kiko sa Instagram.

Bukod sa pag-unfollow kay Kiko, wala na rin sa Instagram feed ni Heaven ang mga posts nito kasama ang aktor.
Heto ang dating feed ng dalaga.

Makikitang recent feed na ay wala na ang larawan nila ni Kiko.

Magpasahanggang ngayon, wala pang direktang kumpirmasyon ang dalawa tungkol sa hiwalayan nila.
Naunang in-unfollow ni Kiko si Heaven sa Instagram. Naibalita ito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong September 2, 2021.
Wala na si Heaven sa 43 accounts na pina-follow noon ni Kiko. Kalauna'y tinanggal niya rin ang lahat ng mga ito sa kanyang following list.

Ito ay tatlong araw lang matapos ipinagdiwang nina Kiko at Heaven ang kanilang third monthsary noong August 30, 2021.
Nakapagpalitan pa nga ang dalawa ng sweet messages sa post ni Kiko tungkol sa kanilang third monthsary.
Noong May 30, 2021, official na naging magkasintahan sina Kiko at Heaven matapos ang halos dalawang buwang getting-to-know-each-other stage.
Sa pahayag ni Kiko, sinabi nitong nagsimula ang kanilang pagkakamabutihan noong March, isang buwan matapos makipaghiwalay ang aktor kay Devon Seron, na dalawang taong naging kasintahan ng aktor.
