Kiko Estrada unfollows girlfriend Heaven Peralejo on Instagram; deletes all their photos

by Arniel C. Serato
Sep 2, 2021
Kiko Estrada and Heaven Peralejo just celebrated their third monthsary last August 30.
PHOTO/S: Courtesy: @heavenperalejo on Instagram

Ipinagtataka ng mga nakabantay sa Instagram account ni Kiko Estrada kung bakit bigla nitong binura ang dalawang posts niya tungkol sa kanila ng girlfriend na si Heaven Peralejo ngayong gabi ng Miyerkules, September 1.

Maliban dito, in-unfollow na rin ng aktor si Heaven sa Instagram.

Continue reading below ↓

Pero si Heaven ay naka-follow pa rin kay Kiko.

Nasa Instagram account pa rin ng Kapamilya young actress ang dalawang posts niya kasama ang afor.

Continue reading below ↓

Tanong tuloy ng nakaantabay na netizens: May pinagdadaanan ba sina Kiko at Heaven sa kanilang relasyon?

Noong August 30 lamang ay ipinagdiwang nina Kiko at Heaven ang kanilang third monthsary.

Nagpalitan pa nga ang dalawa ng matatamis na mensahe sa post ni Kiko tungkol sa kanilang ikatlong buwan bilang magkasintahan.

May 30 naging pormal ang relasyon nina Kiko at Heaven matapos ang halos dalawang buwang getting-to-know-each-other stage.

Ayon kay Kiko, Marso nagsimula ang kanilang pagkakamabutihan matapos maghiwalay ang aktor at si Devon Seron noong February 2021.

Tumagal ng dalawang taon ang relasyon nina Kiko at Devon.

Bago pa man umamin si Kiko sa totoong estado nila ni Heaven, namataan silang magkasama sa Boracay noong Hunyo.

HOT STORIES

Use these Adidas PH promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kiko Estrada and Heaven Peralejo just celebrated their third monthsary last August 30.
PHOTO/S: Courtesy: @heavenperalejo on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results