Ilang linggo nang pinag-uusapan ang diumano’y falling out ng magkaibigang Daniel Padilla at Dominic Roque.
Hindi pa rin tukoy ang dahilan kung ano ang pinag-ugatan ng pagkasira ng pagkakaibigan ng dalawang aktor.
Kasunod nito, nadawit din sa isyu ang girlfriend ni Dominic na si Bea Alonzo at ina ni Daniel na si Karla Estrada.
Napaulat na in-unfollow ni Karla si Bea sa Instagram, pero muling finollow ng ina ni Daniel si Bea matapos itong mapabalita.
Kilalang magkabarkada sina Dominic at Daniel, kasama ang iba pang celebrity friends.
Tawag sa kanilang grupo ay Nguya Squad na kinabibilangan din ng girlfriend ni Daniel na si Kathryn Bernardo, Patrick Sugui, Ria Atayde, at Joshua Garcia.
Kasama rin sa grupo ang real-life couples na sina Khalil Ramos at Gabbi Garcia, at Sofia Andres at Daniel Miranda.

One of the many pictures of the Nguya Squad previously posted on social media. Dominic used to belong to this group.
Previously ay may post pa si Kathryn kasama sina Daniel at Dominic.
Caption ni Kathryn: “Dinner date with our forever third wheel."
Ang tinutukoy niyang "forever third wheel" ay si Dominic, patunay kung gaano kalapit sa kanila si Dominic.

DANIEL AND DOMINIC FALLING OUT?
Hindi tukoy kung kailan eksakto nagsimula ang alitan nina Daniel at Dominic, pero lumutang ito noong napaulat na magkarelasyon na sina Bea at Dominic.
Noong August 15, 2021, tinalakay ng veteran entertainment columnist at talent manager na si Ogie Diaz sa kanyang YouTube vlog ang tungkol pag-unfollow ni Daniel at Dominic sa isa’t isa.
Ani Ogie, may alitan umano sa pagitan ng dalawang aktor dahilan para mag-unfollow sila sa isa’t isa sa Instagram.
“Well, may nakausap ako. Totoong nag-unfollow-han sila sa isa't isa sa IG,” sabi ni Ogie.
May lumabas pa raw isyu na ginhost umano ni Dominic ang younger sister ni Daniel na si Magui.
Pero klaripikasyon ni Ogie, “May nakausap ako. Hindi raw ganoon.
“Dahil sabi ng isang source ko, ‘Kuya Dom’ ang tawag sa kanya ng mga kapatid ni DJ [Daniel].”
Nagkaroon ng follow-up si Ogie tungkol sa isyung ito noong September 16, 2021.
Wala pa rin daw pahayag mula sa panig nina Daniel at Dominic tungkol sa isyu.
Ani Ogie, “Walang komento. Gusto lang nilang manahimik for now.”
Pero binanggit ni Ogie na in-unfollow na rin ni Karla si Bea, girlfriend ni Dominic.
Paniniwala ni Ogie, may kinalaman ang pag-unfollow ni Karla kay Bea dahil sa gap nina Daniel at Dominic.
May nakapagsabi rin daw kay Ogie na maliit ang tsansang magkabati pa sina Daniel at Dominic.
“Sa pagkakaalam ko, may nasabihan si Karla na isang tao na sinabi niyang si Dominic, malabo na silang magkaayos ni DJ,” kuwento ni Ogie.
Sinabi rin daw ng source ni Ogie na ang pag-unfollow ni Karla kay Bea ay posibleng may kinalaman sa pagiging close ni Karla kay Marjorie Barretto.
Si Marjorie ang ina ni Julia Barretto, girlfriend ngayon ni Gerald Anderson, na ex-boyfriend naman ni Bea.
Noong 2019, nag-break sina Bea at Gerald at itinurong third party umano si Julia.
Ayon kay Ogie, “Alam ko namang magkaibigan si Marjorie at si Karla. So, baka may kinalaman doon.
“Between Bea and Marjorie, e, baka pinili ni Karla kung sino yung dati niyang kaibigan.
“Or ayaw niyang magkaroon pa ng isyu, e, kaya siguro in-unfollow din niya si Bea.”
Nitong September 19, 2021 ay may bagong update si Ogie sa isyu nina Daniel at Dominic: finollow na raw ulit ni Karla si Bea sa Instagram.
Sabi ni Ogie, “Baka finollow na niya ulit si Bea. Siguro para wala nang intriga pa.
“Kung ang isyu lang naman is follow, e, di, i-follow niya si Bea.”
WHO FOLLOWS WHO
At this writing, makikita na pina-follow nina Karla at Bea ang isa’t isa.


Pero hindi naka-follow sina Karla at Daniel kay Dominic.
Hindi rin naka-follow si Dominic kay Daniel, pero naka-follow si Dominic kay Karla.

Naka-follow rin sa isa't isa sina Kathryn at Dominic.
Use these Klook promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.
