Nagdeklara ng kanyang kandidatura si Javi Benitez, 26, sa pagka-alkalde ng Victorias City, Negros Occidental, ngayong Martes, September 21.
Sa kanyang Instagram, ibinahagi ng baguhang aktor ang ilang larawan ng kanyang pagharap sa local press kung saan inanunsiyo niya ang pagtakbo sa 2022 elections.
Ayon kay Javi, kapag nahalal siya ay magiging pro-active ang kanyang pamamalakad sa lungsod.
Buong caption niya, “We will be a government that won't be reactive but proactive.
“A government that puts public consultation as a top priority and a government that is for all.
“Sa akon nga mga kasimanwa nga Victoriahanons, the time is now.”
View this post on Instagram
Si Javi ay anak ng negosyante at dating Negros Occidental Third District Congressman Albee Benitez.
Si Albee ang chairman ng Leisure & Resorts World Corp., na nag-o-operate ng bingo parlors sa bansa. Siya rin ang nasa likod ng Brightlight Productions, na may multimillion-peso block time deal sa TV5.
Si Javi naman ay kabilang sa mga talent ng Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN.
Kilala rin siya bilang boyfriend ng aktres na si Sue Ramirez.
Kabilang sa nagkomento sa post ni Javi tungkol sa kanyang kandidatura si Sue, na very proud sa kanya.

Ilang buwan bago ang kanyang deklarasyong tumakbo bilang mayor ng Victorias City, nagsimula nang mag-ikot si Javi sa kanilang siyudad.
View this post on Instagram
Ibinabahagi mismo ni Javi sa kanyang Instagram account ang pamamahagi niya ng tulong sa kanyang mga kababayan ngayong panahon ng pandemya.
View this post on Instagram
Ang makakatapat ni Javi sa 2022 elections ay ang kasalukuyang vice mayor ng siyudad na si Jerry Jover.
Ang incumbent mayor ay si Francis Frederick Palanca.
Use these Klook promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.
