GORGY RULA
Nagtaka ang celebrity friends ng magkasintahang Sue Ramirez at Javi Benitez kung ano ang ibig sabihin ng palitan nila ng sweet messages sa isa’t isa.
Naunang nag-post si Javi sa kanyang Instagram account nitong Martes, September 7.
Ang message niya para kay Sue: “Thinking of you keeps me awake. Dreaming of you keeps me asleep. Being with you keeps me alive.
“You make the world so much more beautiful, Inday Sue. I love you. [heart emoji].”
Pagkalipas ng ilang oras, nag-post din si Sue ng kanyang mensahe para kay Javi.
Ani Sue: “Please always remember that you have a hand to hold when you need it and even when you don’t.
"Thank you, My everyday. I love you so much @javibenitezzz [crying at heart emoji]."
Isa si Angelica Panganiban sa nagtanong kung anong meron, at anong ibig sabihin ng palitan nila ng sweet message.
Tinext ko si Javi para klaruhin kung nagsi-celebrate ba sila ng kanilang anibersaryo o monthsary.
Yun pala, one year na silang magkasintahan kahapon.
Madalas ay nasa Victorias City, Negros Occidental si Javi, pero nandito siya ngayon sa Maynila para makasama si Sue sa kanilang first anniversary.
Mas gusto raw nila ng tahimik na selebrasyon. Hindi naman niya ako sinagot kung paano nila ito ise-celebrate, at kung ano ang gift niya kay Sue.
Natawa si Javi nang tinext ko siya na nakaisang taon na ang relasyon, pero hindi pa rin naipapalabas ang pelikulang Kid Alpha One kung saan sila nagkakilala at nagkainlaban.
NOEL FERRER
Masaya ako para kina Javi at Sue. Parang naka-lockdown na sila para sa isa’t isa.
Buti na lang, break pa ng teleserye ni Sue with Jodi Sta. Maria and Zanjoe Marudo, iyong The Broken Marriage Vow.
Nakikita ko rin talaga si Javi bilang public servant.
Pero teka lang, kung tatakbo si Javi sa darating na eleksyon, paano na ang pelikula niyang Kid Alpha One na siyang dahilan ng pagkakalapit nila ni Sue…. kailan na maipalalabas yun?
JERRY OLEA
“Tamis [heart emoji]” ang comment ni Barbie Imperial sa Instagram post ni Javi.
Sabi naman ni Daniel Matsunaga, “couple goalssss [heart emoji]”
Isa pang “nilalanggam” sa sweetness ay ang recent Instagram post ni Erin Ocampo patungkol sa kasintahang Nigerian basketball player na si Henry Iloka.
“You might not have been my first love, but you were the love that made all the other loves irrelevant,” emote ni Erin.
“My Angel, My Heart, My Sunshine, My Shield, each day I love you more, today more than yesterday and less than tomorrow.”
Kalakip niyon ang piggyback photo nila, kung saan pagkatamis-tamis ng kanilang ngiti.
Si Erin ay dating member ng GirlTrends (GT) sa It's Showtime.
Ex-boyfriend niya ang singer na si Michael Pangilinan at mayroon silang isang anak na lalaki.
Use these Klook promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.