Mayor Isko Moreno confirms presidential bid in 2022 elections

by Rachelle Siazon
Sep 21, 2021
Kinumpirma ni Manila Mayor Isko Moreno (nasa larawan) na ang running mate niya sa 2022 elections ay si Dr. William Ong.
PHOTO/S: Jerome Ascano

Kinumpirma ni Manila Mayor Isko Moreno, o Francisco Moreno Dumagoso, na siya ay kakandidato bilang Pangulo sa 2022 elections.

Sa ulat ng TV Patrol ngayong Martes ng gabi, September 21, inanunsiyo na mismong si Isko ang naghayag nito sa ABS-CBN News.

Sinabi rin ni Isko na ang running mate niya at tatakbo sa pagkabise presidente ay si Dr. Willie Ong.

Sa karagdagang ulat ng ABS-CBN News Online, ibinahagi ni Isko na bukas, Miyerkules, September 22, nakatakda niyang pormal na ianunsiyo sa publiko ang kanyang kandidatura.

Siya ang tumatayong presidente ng partidong Aksyon Demokratiko.

ISKO'S PUBLIC SERVICE

Si Isko ay nagsilbing alkalde ng Manila mula nang matalo niya si dating Manila Mayor Joseph "Erap" Estrada sa 2019 elections.

Nanungkulan din siya bilang Manila vice mayor mula 2007 hanggang 2016, at city councilor ng lungsod mula 1998 hanggang 2007.

Noong 2016 elections, kumandidato si Isko bilang senador pero hindi siya pinalad manalo.

Continue reading below ↓

BACKROUND IN SHOWBIZ

Bukas si Isko sa kuwento tungkol sa kanyang buhay bilang batang Tondo.

Sa edad na sampung taong gulang, siya ay nangalakal ng basura para makatulong sa pamilya. Naranasan din niyang maging pedicab driver noong siya ay high school student.

Minsan siyang napadaan sa isang lamay nang madiskubre siya ng talent scout na si Wowie Roxas noong 1993.

Sumabak siya sa show business nang maging bahagi siya ng sikat na youth-oriented show na That's Entertainment, kunsaan ang host ay ang Master Showman na si German Moreno, o kilala bilang Kuya Germs.

Napanood si Isko sa ilang sexy films at bumida rin sa romance-drama film na Muntik Na Kitang Minahal noong 1994.

Naunang naghayag ng kandidatura sa pagkapangulo sina Ping Lacson at Senator Manny Pacquiao.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kinumpirma ni Manila Mayor Isko Moreno (nasa larawan) na ang running mate niya sa 2022 elections ay si Dr. William Ong.
PHOTO/S: Jerome Ascano
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results