PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mahal's sister thanks Mygz Molino for making late comedienne happy

Irene Tesorero on Mygz: "Talagang binigyan niya ng special treatment si Mahal."
by Arniel C. Serato
Published Sep 22, 2021
Irene Tesorero to late sister Mahal's special friend Mygz Molino: “Nagkausap kami ni Mygz nung wala na si Mahal nung gabi. Talagang sincere naman yung kanyang ano, apology, na ginawa niya yung lahat. Sabi ko, ‘Mygz, at least napasaya mo yung kapatid ko sa last two months of her life, or years.'"
PHOTO/S: Courtesy: The Boy Abunda Talk Channel on YouTube / @mygz.molino on Instagram

Masakit pa rin para kay Irene Tesorero na nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan ng kanyang ate na si Mahal, Noeme Tesorero sa tunay na buhay, isang linggo bago pumanaw ang comedienne.

Binawian ng buhay si Mahal noong August 31, sa edad na 46, dahil sa "gastro illness" at COVID-19 complications.

Ayon sa kuwento ni Irene sa panayam sa kanya ni Boy Abunda na inilabas sa YouTube kagabi, September 21, nais niyang umuwi muna si Mahal sa kanilang bahay upang maipagluksa ang pagpanaw ng kanilang ama noong August 5.

Saad niya, “Ito ang pinakamasakit sa lahat. Yung last naming nagkausap, a week before siya nagkasakit, nagkatampuhan kami.

“Kasi namatay na si Papa. Sabi ko sa kanya, ‘Umuwi ka muna, mag-grieve ka muna kay Papa.'

"Kasi nga, ano siya, e, every morning, tatawag 'yan. Sabi ko, ‘Kung ganyan lang naman, umuwi ka na lang, parang mag-grieve ka muna kay Papa kasi kailangan mo ‘yan, e.’”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Iba raw kasi ma-stress si Mahal. Sinisipon daw ito kapag masyadong nai-stress.

Patuloy ni Irene, “Lagi siyang umiiyak. Pero nagkatampuhan kami a week bago siya nagkasakit.”

Noong nabubuhay pa si Mahal ay hindi nito itinatago ang makulay niyang buhay pag-ibig.

Ano ang hindi nila pinagkaintidhan ng kapatid?

Saad ni Irene, “Kasi sabi niya nung gabi, ‘Sige nga, kayo nga may pamilya, may anak. Ako, wala. Ito lang ang nagpapasaya sa akin, boyfriend, barkada. Hayaan mo na ako. Nabibigay ko naman yung gusto niyong lahat.’

"Ganun siya lagi."

Gusto raw nilang umuwi muna sa kanilang bahay si Mahal para masubaybayan ito. Kahit si Mahal ang panganay sa magkakapatid, itinuturing daw nila itong baby. Lahat daw ng kailangan nito ay kailangang iaabot.

Sabi pa ni Irene, “Alaga namin 'yan, e, which is si Mygz, ganun din. Alaga din ni Mygz 'yan.

"Kaya lang, iba pa rin yung kami.”

Ang tinutukoy ni Irene na "Mygz" ay ang indie actor na si Mygz Molino.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sina Mygz at Mahal ay magkaibigan na laging magkasama sa paggawa ng kani-kanilang vlogs.

Maituturing na espesyal ang kanilang pagkakaibigan.

THANKFUL TO MYGZ MOLINO

Si Mahal ay nakatira sa bahay nina Mygz sa Batangas nang dapuan ng karamdaman ang komedyana.

Si Mygz din ang nag-alaga kay Mahal at nagsugod sa kanya sa ospital nang hirap na ito sa paghinga.

Tanong pa ni Boy kay Irene kung si Mygz ba ang dahilan ng kanilang pagtatalo.

Mariin itong itinanggi ni Irene.

Sabi niya, “A, hindi po. Hindi po si Mygz.

"Ano lang, ang gusto ko lang, umuwi lang siya. Lalo na nung namatay si Papa, gusto kong mag-grieve siya with the family.”

Masama ba ang loob ng pamilya niya kay Mygz?

Tugon ni Irene, “Hindi po. Hindi. Lahat, kami hindi.

"Kung tutuusin, nagpapasalamat pa kami kay Mygz, kasi [siya] yung sa huling two days ni Mahal, nung nag-start na siyang nagkasakit, nagsasabi na siya—si Mygz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Which is, si Mahal, sinasabi niyang okay lang siya.

“Si Mygz, tumatawag kay Tita. Sinasabi kung ano na ang sitwasyon ni Mahal, which is naintindihan ko ang ginawa nilang paraan.”

REAL SCORE?

Ano ba ang relasyon nina Mahal at Mygz?

“Ang sabi niya sa akin, kaibigan,” sagot ni Irene.

Naniwala ba siya?

Saad ng kapatid ng namayapang komedyante, “Iba yung definition sa kanya [Mahal] ng kaibigan at boyfriend.

"Kagaya niyan, magkasama sila sa bahay, boyfriend niya na ‘yan."

Paano niya ilalarawan ang pag-aalaga ni Mygz sa kapatid?

“Kaibigan, pero special na kaibigan,” sagot ni Irene kay Boy.

Naniniwala naman si Irene na minahal ni Mygz si Mahal bilang kaibigan.

“Kung mapapansin mo naman yung pag-aalaga niya, e, okay naman,e.

"Wala naman… kasi nung mga ibang boyfriend ni Mahal, hindi ganun ang trato kay Mahal, e.

“Kaya si Mygz, talagang binigyan niya ng special treatment si Mahal, which is kaya okay naman ako sa kanya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Yung mga post daw noon ng mga nagsasabing kamag-anak nila laban kay Mygz ay hindi raw mula sa kanilang pamilya. Nasaktan din daw silang lahat noon, hindi lang si Mahal.

Ayon pa kay Irene, nagkausap sila ni Mygz nang pumanaw na si Mahal.

Lahad niya, “Nagkausap kami ni Mygz nung wala na si Mahal nung gabi. Talagang sincere naman yung kanyang ano, apology, na ginawa niya yung lahat.

“Sabi ko, ‘Mygz, at least napasaya mo yung kapatid ko sa last two months of her life, or years.'

“Masaya naman siya. Yun lang talaga, unexpected yung nangyari kay Mahal.”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Irene Tesorero to late sister Mahal's special friend Mygz Molino: “Nagkausap kami ni Mygz nung wala na si Mahal nung gabi. Talagang sincere naman yung kanyang ano, apology, na ginawa niya yung lahat. Sabi ko, ‘Mygz, at least napasaya mo yung kapatid ko sa last two months of her life, or years.'"
PHOTO/S: Courtesy: The Boy Abunda Talk Channel on YouTube / @mygz.molino on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results