Senator Tito Sotto quashes falling-out issue with President Duterte

by Arniel C. Serato
Sep 23, 2021
Senate President Tito Sotto (left) on President Rodrigo Duterte: "I’ll set the record straight, siguro sa mga pulitiko ngayon sa Pilipinas, ako na yung pinakamatandang kaibigan ni President Duterte, I mean, pinakamatagal."
PHOTO/S: Courtesy: @helenstito on Instagram / Presidential Communications on Facebook

Iginiit ni Senate President Tito Sotto na wala silang falling-out ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Pagbabalik-tanaw pa ng mambabatas, dekada na ang itinakbo ng pagkakaibigan nila ng Pangulo.

“I’ll set the record straight, siguro sa mga mg pulitiko ngayon sa Pilipinas, ako na yung pinakamatandang kaibigan ni President Duterte, I mean, pinakamatagal," pahayag ni Sotto sa panayam sa kanya ng entertainment press, kabilang na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), Huwebes ng umaga, September 23,

“1988 nung mag-vice mayor ako, yung tinatatag ko yung Vice Mayor’s League of the Philippines, ang ginagawa kong vice president for Mindanao ay si Jun Zuño, vice mayor ng Davao...

“So, nung nagpunta ako ng Davao, ipinakilala ako ni Jun Zuño kay Mayor Duterte, nag-usap kami. Pareho kami ng advocacy. Naging magkaibigan kami.”

Alam din daw ni Sotto na malapit din ang kanyang kasamahan sa senado at presidential candidate na si Ping Lacson at ang dating senador na si Gringo Honasan kay Duterte.

Continue reading below ↓

Sina Lacson at Sotto ang magka-tandem sa 2022 elections.

Aniya, “As a matter of fact, si Ping Lacson, si Senator Honasan, naging malapit din sa kanya yung dalawa na yun, e, kaming tatlo bale.

“Kasi nung si Senator Honasan nagtatago, nagpunta sa Davao yun, e, prinoteksyunan ni Digong yun, e. Ganun din si Ping, e.

"Basta magkaibigan kami."

Ang tinutukoy marahil ni Sotto na pagtatago ni Senator Honasan ay nang pangunahan nito ang ilang coup attempts laban sa administrasyon ni dating Pangulong Corazon "Cory" Aquino.

Pagpapatuloy ni Sotto patungkol kay Duterte, “Hanggang sa tumakbo siyang presidente, nagkataon na ako ay nakasagot na kay Grace, e. Si Grace Poe yung sinusuportahan namin nun.

"Mula noon, nagkikita kami. Pag pumapasyal ako ng Davao, hindi ako kumawala na hindi kami magkikita.

"In fact, pag may election, there was a time na ang baba ng survey ko sa Davao, 2010 ba yun?

“Sa speech niya sa entablado, kinukuwento sa akin ni Bong Go, pinapagalitan yung mga tao. Pinapagalitan niya, e. Sabi, ‘Ba't ang baba dito ni Sotto?’

Continue reading below ↓

“Ganun kaming magkaibigan.”

"MAY THE BEST MAN WIN"

Ayon pa kay Sotto, ngayong Presidente na si Duterte at siya naman ang tagapamuno ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso, hindi miiwasang may mga isyu silang hindi napagkakasunduan.

Saad niya, “Ngayon, nagkataon na naging Senate President ako, Pangulo siya ng Pilipinas, yung karamihan ng mga programa niya na sinasabi ay sumasang-ayon naman ako, e. Pareho nga kami ng advocacy.

“Lately, hindi mo masasabi na ako naman ay kumontrang bigla. Hindi, e.

"Kumukontra ako sa mga isyu na mali, katulad nung problema sa DOH [Department of Health], yung problema sa mga procurement, e, hindi kami...

"Dun ako nakakontra, hindi ako nakakontra sa pagkakaibigan.

“Magkaibigan pa rin kami, siguro naman alam nila yun.”

Inaasahang makakatapat ni Sotto si Duterte sa pagka-bise presidente sa 2022 elections.

Pahayag ng Senate President tungkol dito, “Ngayon, kung kami magkakaharap, a, wala naman siyang mariring na masamang salita sa akin.

Continue reading below ↓

“At ako naman, umaasa na wala naman siyang sasabihing masama tungkol sa akin. Nagkataon lang na ganun. May mga kaibigan talaga na nagkakatapat, e.

"May the best man win.”

NO FALLING-OUT

Pinupuntirya ngayon ni Pangulong Duterte ng mga birada si Senator Richard Gordon, chairperson ng Blue Ribbon Committee, dahil sa imbestigasyon nito sa maanomalya umanong pagbili ng gobyerno ng face masks, PPEs, at iba pang gamit kaugnay sa COVID-19 response.

Bilang kasamahan sa senado, may mga puntong binabatikos din ni Sotto ang gobyerno base na rin sa takbo ng hearing ng Blue Ribbon Committee.

Masasabi ba ni Sotto na walang nagbabago sa relasyon nila ni Pangulong Duterte?

Tugon niya, “Wala naman akong... wala naman. I don’t think so.

"I hope he doesn’t think so. Magkaibigan pa rin kami.

“Ngayon, maaring iba ang aming pananaw, maaring iba ang aming magiging gusto sa Pangulo, pero it doesn't mean na hindi kami magkaibigan.

Continue reading below ↓

“Remember, election is only on one day, isang araw lang ang eleksyon. Ang pakikipagkaibigan ay mas mahaba at matagal.”

Hindi ba siya natatakot na batuhin din ng batikos ni Duterte isang araw? At handa ba siya sakaling dumating ang araw na iyon?

Tugon ni Sotto: “I hope not. Well, I’m not. But I hope not.

"Well, just in case, ha, alam mo naman tayo, ‘ika nga, ako, ano na ako diyan, e, professional na ako sa nabu-bully.

“Sa matinding pinagdadaanan namin, ako, pati si Senator Lacson, ang pinagdadaanan namin na mga pagbabato or paninira, di na masyadong tatalab yun.

“I don’t expect it. I don’t’ expect it na ako’y sisiraan ng Presidente because he will not expect it from me also.”

ON SURVEYS

Tuwing paparating na ang national elections, maraming survey firms ang gumagawa ng kanilang survey para sa mga kandidato sa pagka-presidente, bise presidente, at senador.

Siya ba ay naniniwala pa sa mga survey?

Continue reading below ↓

Tugon ni Sotto, “Depende ngayon sa nagsu-survey, ano.

"Noong araw, hindi ako naniniwala sa survey until 2004, nagkandatalo nga kami nina FPJ [Fernando Poe Jr.].

“Of course, alam naman natin na hindi lang basta natalo si FPJ, merong naging milagro kaya nagkaganun."

Tumakbo ang yumaong King of Philippine Movies na si FPJ sa pagkapangulo noong 2004 elections, kung saan nakalaban nito sina Gloria Macapagal-Arroyo at Ping Lacson. Si Arroyo ang idineklarang nanalo.

Dagdag ni Sotto. "Pero kung nainiwala ako sa survey nun, makikita namin na during the two or three months into the election, bumaba ang rating ni FPJ, tumataas ang rating ni Gloria.

"Dapat nabantayan namin saan yung mga lugar na bumababa kami.

“E, hindi nga kami naniniwala sa survey, kasi kahit san kami pumunta nila Ronnie [FPJ], alam naming nagkakagulo ang mga tao, e, di ba?

“Maganda kasing gamitin ang survey na parang guide. It’s a guide na makita mo kung sang lugar ka mahina, saan ka mababa.

Continue reading below ↓

“Scientific kasi pagka yung mga tunay na survey companies. Huwag yung pina-survey lang nito, ganyan, huwag kang maniniwala dun.

“Ngayon, pagdating nung 2007, hindi pa rin ako naniniwala sa survey. Nagkasabit-sabit nga yung Team Unity dahil dun, e, dahil hindi naniniwala sa survey.”

Ang Team Unity ay ang koalisyon ng mga partidong Lakas-CMD, LP, LDP, at PDSP para sa labindalawang kandidatong senador nung mid-term elections noong taong 2007.

Dagdag pa ni Sotto, “So, pagdating ng 2008, nung naging Dangerous Drugs Board chairman ako, nagpa-survey ang DDB ng household survey, ng DILG [Department of Interior and Local Government] survey, para malaman kung ilan ang drug dependents sa Pilipinas.

“Nung pinpresent na sa akin ang survey, nakita ko na very reliable pala siya at puwede mo siya gamiting guide.”

Mula noon ay naniwala na siya sa mga survey dahil maganda raw itong guide.

Pagdating sa 2022 elections, ano ang standing nila ngayon ni Senator Lacson sa survey?

Continue reading below ↓

Sabi niya, “Yung mga unang survey, nung hindi pa kami naglu-launch, nakikita namin, hindi maganda ang standing ni Senator Lacson.

"Yung sa akin, laban, more or less, ganun lang.

“Ito ngayon, itong pinakaunang survey na nakita namin, ito na yung mga early surveys na tinatawag.

“Merong survey ng CALABARZON, merong survey sa Cavite, merong survey sa Batangas.

"Ako, may survey ako ng Quezon City, sa Quezon City lang para... gusto ko lang makita kung ano.

“Tapos may pinadala sa aking survey ang Caloocan, may Bulacan.

"What can I say is, maganda.

“Ang trajectory ni Senator Lacson, paangat, paakyat. Galing sa baba. You have nowhere to go when you’re down, paakyat, e.

“At yung mga figures nung dating nasa mataas, e, nababawasan.

“So, seven months to go, who knows, God only knows.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Senate President Tito Sotto (left) on President Rodrigo Duterte: "I’ll set the record straight, siguro sa mga pulitiko ngayon sa Pilipinas, ako na yung pinakamatandang kaibigan ni President Duterte, I mean, pinakamatagal."
PHOTO/S: Courtesy: @helenstito on Instagram / Presidential Communications on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results