PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Regine Velasquez scolds bashers of her free online concert

Netizens defend Regine Velasquez against bashers of her free online concert.
by Arniel C. Serato
Published Sep 24, 2021
Asia's Songbird Regine Velasquez fires back at netizens complaing about her free concert livestream: "Yung mga makakapal ang mukhang magreklamo tapos mag tweet pa UTANG NA LOOB wag na kayong manood!!"
PHOTO/S: Screenshot from Regine Velasquez on YouTube

Nairita ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez sa mga reklamo ng ilang netizens na nanood ng kanyang live at free concert sa YouTube channel ng singer-actress kagabi, September 23.

Imbes na pasalamatan siya dahil hindi niya ito madalas gawin, meron pang nagreklamo dahil minsan daw ay hindi maganda ang audio ng kanyang livestream.

May iba namang nagsabing sana ay hindi na isinama ni Regine ang asawang si Ogie Alcasid sa ibang portion ng kanyang free concert.

Hindi ito pinalampas ng ASAP Natin ‘To host.

Sa kanyang Twitter matapos ang streaming, binungangaan ni Regine ang mga reklamador na nanood ng kanyang free concert.

Ipinagtanggol din niya ang asawa na tumulong sa kanya.

Ipinunto ni Regine na kahit dalawa silang kumanta sa concert ay libre naman ito at walang binayaran ang mga nakapanood.

Buong mensahe ni Regine, “Disclaimer; yung mga makakapal ang mukhang magreklamo tapos mag tweet pa UTANG NA LOOB wag na kayong manood!!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Para ang laki nag binabayad nyo sa asawa ko ha!!!! Libre lang kaya walabg basaganng trip!!!!”

Sa comments section ay ipinagtanggol si Regine ng kanyang mga tagahanga.

Komento ng isang follower (published as is), “hay naku mga walang magawa sa buhay nga naman oh.. don’t mind them ate kami naman ay napapasaya mo..nagpapasalamat nga kami sa inyo ni kuya dahil napakabait nyo at binibgyan nio kami nang oras para lang ma entertain nang libre..godbless u both po”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon naman sa isa pang fan ng singer, “Yung iba sinasabing wag ng isama si kuya Ogie dapat si ate Reg na lang wow ha kung makapag utos kala mo sila producer ng show.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Narito ang iba pang nagtanggol kay Regine laban sa bashers:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa mga hindi nakapanood nang live ng free concert ni Regine, mapapanood pa rin ang recording nito sa kanyang YouTube channel.

Pero paalala niya, walang basagan ng trip.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Asia's Songbird Regine Velasquez fires back at netizens complaing about her free concert livestream: "Yung mga makakapal ang mukhang magreklamo tapos mag tweet pa UTANG NA LOOB wag na kayong manood!!"
PHOTO/S: Screenshot from Regine Velasquez on YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results