Inamin ng beteranong TV host na si Boy Abunda, 65, na nakatanggap siya ng mga offer na gumawa ng talk show sa GMA-7 at TV5.
Pero nilinaw niyang independent producers ang lumapit sa kanya noon para sa posibleng TV project.
Paliwanag ni Boy: "I've been offered by many. Early on during the pandemic.
"Hindi ko alam bakit pumuputok ngayon 'yan. Nahihiya tuloy ako sa Channel 7. Wala namang offer sa akin ang Channel 7.
"But I have been in discussion with various parties, including people who are affiliated with 7.
"I’ve been offered by other channels. I’ve been asked by people affiliated with TV5.
"I’ve been negotiating with other independent producers to do talk shows, yes."
Inihayag ito ni Boy nang tanungin siya ni ABS-CBN News reporter Miguel Dumaual sa isang virtual mediacon noong Lunes ng gabi, September 27.
STILL WAITING FOR ABS-CBN'S COMEBACK
Gayunpaman, idiniin ni Boy na solid Kapamilya pa rin siya ngayon.
"But I'm still waiting for ABS-CBN to have free TV," saad ng veteran TV host.
Sabi pa ni Boy sa isyung lilipat siya ng network: "Mahirap magsalita nang patapos, pero right now, the answer is no.”
Napahinga lang siya sa telebisyon mula nang ipinatigil ang mga taping nang magsimula ang COVID-19 pandemic noong March 2020.
Pero tuluyang hindi nakabalik sa ere ang late-night talk show niyang Tonight With Boy Abunda nang mapaso ang prangkisa ng ABS-CBN noong May 2020.
Hindi ni-renew ng Kongreso ang application ng ABS-CBN noong July 2020.
Umaasa si Boy na makakabalik din ang broadcast operations ng Kapamilya Network sa takdang panahon.
"But halimbawa free TV ang ABS, we wouldn't even be talking about this. Yun lang naman inaantay ko.
"I wanna be able to go back to television. I miss television. I miss doing my talk shows on television."
LAST RESORT
Ni ayaw isipin ni Boy ang posibilidad na hindi makabalik ang ABS-CBN.
Sabi na lang niya, "So, kung walang wala na talaga, e, di mag-a-apply na ako sa iba.
"Pero sa ngayon, di totoo yun. Nahihiya lang ako sa Channel 7. Hindi ko alam bakit lumitaw ngayon 'yan."
Sa ngayon, aktibo si Boy sa itinayo niyang sariling YouTube channel kunsaan mayroon siyang online talk show.
Use these Adidas PH promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.
