Senator Manny Pacquiao says goodbye to boxing

by Jojo Gabinete
Sep 30, 2021
Manny Pacquiao: "As I hang up my boxing gloves, I would like to thank the whole world especially the Filipino people for supporting Manny Pacquiao. Goodbye boxing…"
PHOTO/S: Manny Pacquiao Facebook

Bumuhos ang mga pagpupugay at pagkilala kay Manny Pacquiao nang inanusiyo niya kahapon, September 29, ang pagreretiro mula sa propesyong nagbigay sa kanya ng karangalan at kasikatan sa buong mundo.

Ipinaalam ni Pacquiao ang kanyang desisyon sa pamamagitan ng mahigit sa labing-apat (14) na minutong farewell video na may pamagat na "Goodbye Boxing."

Hindi nakalimutan ni Pacquiao na pasalamatan ang lahat ng mga tao at pamilyang nagsakripisyo at tumulong sa kanya noong nagsisimula pa lamang siya bilang boksingero.

Manny Pacquiao with Sardo Mejia

Continue reading below ↓

Unang-unang binanggit ni Pacquiao si Sardo Mejia, ang tiyo niyang nagturo at nagmulat sa kanya tungkol sa boksing.

“Siya po ang nagturo sa akin about boxing. Siya po ang nagmulat ng aking kaisipan about boxing.

"After that, nangarap po akong magkaroon ng pagkakataong makalaban sa Olympics, ngunit hindi po ako nakuha na maging bahagi ng Philippine Team.

“Ni-reject po ako. Sinasabing wala raw po akong pag-asa sa boxing."

Patuloy ni Pacquiao, "Ngunit hindi po ako nawalan ng pag-asa. Hindi po ako na-discourage.

"Mabuti na lang, tinanggap ako ng Davao del Sur province upang maging bahagi ng kanilang boxing team. Sila po ay naniniwala sa akin.

“Kinakailangan kong iwanan ang pamilya ko sa GenSan para po matupad ang aking mga pangarap.

"Mabuti po ang ating Panginoon dahil dinala niya ako sa mga pamilyang nagkupkop sa akin at tumulong."

young Manny Pacquiao

Continue reading below ↓

Pumasok sa professional boxing si Pacquiao sa edad na 17 noong 1995.

Mula noon ay malayo na narating niya upang maging greatest Filipino boxer sa kasaysayan at maging isa sa pinakamagaling sa buong mundo.

Sa loob ng kanyang 26 taon bilang professional boxer, nanalo si Pacquiao ng labindalawang (12) major world titles, naging kaisa-isang boxer na nanalo sa walong magkakaibang weight divisions, at nag-iisang boxer na may hawak na world titles sa apat na magkakaibang dekada.

Magreretiro si Pacquiao na may record na 62-8-2 with 39 KOs.

Saad pa ng Pambansang Kamao, “Who would have thought that Manny Pacquiao will end up with twelve major world titles in eight different weight divisions?

“Even me, I’m amazed by what I have done, all the records of being the only boxer to hold four world titles in four different decades and become the oldest fighter to win a world welterweight title.

"Amazing accomplishments that I never thought I would accomplish."

Continue reading below ↓

Manny Pacquiao

Lubos ang pasasalamat ni Pacquiao sa Panginoong Diyos na gumabay sa kanya patungo sa tagumpay.

Saad niya, “I know that God is good all the time, that’s why I give all glory to God who made it happen.

“I always believe that with God, all things are possible. Without Him, I am nothing. He’s the one who gave me the ability and strength to accomplish all these things.

Continue reading below ↓

“The Lord gave me overflowing blessings. I could never thank Him enough for bestowing upon me my beautiful wife and best friend, Jinkee, and our five wonderful children.

“Mommy D, my dad, and my entire family, thank you for your unconditional love.”

Manny Pacquiao

Inamin ni Pacquiao na hindi madali para sa kanyang talikuran ang boxing dahil hindi niya inisip na darating ang takdang panahon.

Continue reading below ↓

Pahayag ng senador, "Napakarami nating potential boxers na mas bata at puno ng pag-asa na makapagdala ng karangalan sa ating bansa. Sila naman po ang ating tulungan.

“It is difficult for me to accept that my time as a boxer is over.

“Today, I am announcing my retirement. I never thought that this day would come.

“As I hang up my boxing gloves, I would like to thank the whole world especially the Filipino people for supporting Manny Pacquiao.

"Goodbye boxing…"

Inanunsiyo ni Pacquiao ang kanyang pagreretiro sa boxing sampung araw matapos niyang ideklara ang kandidatura para sa pagkapangulo sa 2022 elections.

HOT STORIES

Use these Nike promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Read More Stories About
Manny Pacquiao, hardcore fans
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Manny Pacquiao: "As I hang up my boxing gloves, I would like to thank the whole world especially the Filipino people for supporting Manny Pacquiao. Goodbye boxing…"
PHOTO/S: Manny Pacquiao Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results