Umabante sa Top 10 ang top bets na sina Maureen Wroblewitz, Katrina Dimaranan, Bea Luigi Gomez, at Steffi Rose Aberasturi.
Ang mga nabanggit na pangalan ay ilan lamang sa mga matunog na pangalan na mag-uuwi ng korona sa Miss Universe Philippines 2021 pageant.
Mula sa Top 16, nagpatagisan ang finalists sa swimsuit at evening gown rounds. Kasunod nito ay tinawag ang Top 10.
Narito ang buong listahan:
Miss Universe Philippines 2021 Top 10
1. Maria Corazon Abalos (Mandaluyong)
2. Steffi Rose Aberasturi (Cebu Province)
3. Leren Mae Bautista (Laguna)
4. Kirsten Danielle Delavin (Masbate)
5. Victoria Velasquez Vincent (Cavite)
6. Janela Joy Cuation (Albay)
7. Katrina Dimaranan (Taguig)
8. Samantha Santamaria (Parañaque)
9. Maureen Wroblewitz (Pangasinan)
10. Bea Luigi Gomez (Cebu City)
Ang Miss Universe Philippines 2021 pageant ay ginaganap sa Henann Resort sa Bohol ngayong Huwebes, September 30, 2021.
Ipapasa ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo ang korona sa bagong Miss Universe Philippines na magiging kinatawan ng Pilipinas sa 70th Miss Universe pageant na gaganapin sa Eilat, Israel sa December 2021.
Si Andrea Meza ng Mexico ang reigning Miss Universe.
