Isko Moreno files certificate of candidacy with running mate Dr. Willie Ong

by Rachelle Siazon
Oct 4, 2021
Manila Mayor Isko Moreno (right) commemorates birthday of his late showbiz mentor German Moreno on the day he filed his certificate of candidacy for 2022 elections. Isko is accompanied by his running mate Dr. Willie Ong (left).
PHOTO/S: Jerome Ascano

"Tanggapin niyo po ang aplikasyon ko. Ako’y buong loob na tumatakbo bilang pangulo ng bansa."

Ito ang mensahe ni Manila Mayor Isko Moreno nang pormal siyang naghain ng certificate of candidacy bilang presidential candidate sa 2022 elections.

Nagtungo siya sa Commission on Elections sa Sofitel Philippine Plaza Hotel sa Pasay City, bandang 11:30 a.m., ngayong Lunes, October 4.

Kasama ni Isko ang running mate niyang si Dr. Willie Ong. Tatakbo sila sa ilalim ng partidong Aksyon Demokratiko.

Ang desisyon ni Isko na maghain ng kandidatura ngayong araw ay pagbibigay-pugay niya sa pumanaw na Master Showman na si German Moreno, o mas kilala bilang Kuya Germs.

Si Kuya Germs ang mentor ni Isko nang siya ay mapasok sa sikat na youth-oriented show noon na That's Entertainment.

Sa ulat ng CNN Philippines, nagbigay ng mensahe si Isko tungkol sa nararamdaman niya ngayong pormal na siyang sasabak sa 2022 elections.

"Lahat ng politiko pangarap ito, pero hindi ko akalaing aabot ako sa moment na ito," saad ni Isko.

Continue reading below ↓

Ayon sa alkalde, nais nilang tutukan ni Dr. Ong ang "paghilom sa bansa, kabuhayan, at kalusugan."

"Sa dami ng sinalihan kong halalan, ngayon ako kabadong-kabado... Pero balewala yung pakiramdam ko sa hirap na pinagdadaanan ng mga kababayan natin," saad ni Isko.

Full support ang maybahay ni Isko na si Diana Lynn Ditan na naroon din sa COMELEC.

Isko Moreno and Diana Lynn Ditan in COMELEC

Continue reading below ↓

Namataan ding pumirma si Isko sa Integrity Pledge standy na nasa venue.

Isko Moreno signs on Intergrity Pledge standy

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Manila Mayor Isko Moreno (right) commemorates birthday of his late showbiz mentor German Moreno on the day he filed his certificate of candidacy for 2022 elections. Isko is accompanied by his running mate Dr. Willie Ong (left).
PHOTO/S: Jerome Ascano
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results