Derek Ramsay defends vloggers JaMill, Ivana Alawi against netizens

by Arniel C. Serato
Oct 5, 2021
Derek Ramsay reacts to netizens comments about vloggers JaMill and Ivana Alawi: "dear lets not insult anyone. You are right by saying though that if ayaw MO manood then dont."
PHOTO/S: Courtesy: @ramsayderek07 / @ivanaalawi on Instagram

Ipinagtanggol ni Derek Ramsay ang vloggers na sina JaMill at Ivana Alawi laban sa ilang netizens.

Sa kanyang Instagram kahapon, October 4, ibinahagi ni Derek ang collaboration nila nina Jayzam Manabat at Camille Trinidad, na mas kilala sa tawag na JaMill.

Kasama nila sa nasabing collab ang fiancée ni Derek na si Ellen Adarna.

Caption ng aktor sa kanyang post: “Nice hangin with you guys @jamillph @camilleptrinidad It's nice to see these kids doing so well chasing their dreams and reaching their goals. Pls watch their next YouTube episode today, at 12pm, with Ellen and I.”

Continue reading below ↓

Sa comments section ng post na ito ni Derek, isang netizen ang nagsabing hindi niya panonoorin ang collaboration nila dahil hindi raw katulad ng JaMill si Ivana Alawi na nagsi-share ng blessings.

Komento ng netizen: “No thanks!! Ivana pren ksi nag shishare ng blessings sa Ibang tao.”

Tugon ni Derek, paano nasiguro ng netizen na hindi nagsi-share ang JaMill ng kanilang grasya.

Buong sagot ni Derek: “dear how do you know they don't share their blessings? Is it because they don't broadcast it? Kinda unfair comment don't you think?”

Continue reading below ↓

Sagot muli ng netizen, ang vloggers daw ay gumagawa ng paraan para makabuo ng content.

Pinaalala rin nitong nagbura ang JaMill ng kanilang YouTube channel noong August 19 pero bumalik din ang mga ito sa pagba-vlog.

Aniya, "@ramsayderek07 hahaha for sure they will if they do. Vloggers take every chances to create a content. And oh just like shutting off their channel but then again… they came back?? Oh w content yeah.”

Continue reading below ↓

Hindi na siya sinagot ni Derek, pero isang basher na tila supporter ng JaMill ang tumugon sa nagkomento.

Tinawag pa nitong “punggok na hubadera” si Ivana.

Buong komento ng basher: “ei dun ka ky ivana. ung punggok na hubadera never ko pinanuodang vlog. kng ayaw nyo manuod wag kayo mgsalita ng kng anu2x kse hnd cla gaya ng iba na vlogger lahat post. dami na nila nstulungan hnd nila vid.ang tanga mo nmn”

Continue reading below ↓

Pinaalalahanan naman ni Derek ang nasabing netizen na huwag mang-insulto.

Saad nito, “dear lets not insult anyone. You are right by saying though that if ayaw MO manood then dont.”

Wala nang sinagot pang ibang nagkomento si Derek.

HOT STORIES

Use these Klook promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Continue reading below ↓
We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Derek Ramsay reacts to netizens comments about vloggers JaMill and Ivana Alawi: "dear lets not insult anyone. You are right by saying though that if ayaw MO manood then dont."
PHOTO/S: Courtesy: @ramsayderek07 / @ivanaalawi on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results