Ellen Adarna claps back at basher who called Derek Ramsay "tanda, pa-cute, kalbo"

by Arniel C. Serato
Sep 28, 2021
Ellen Adarna shares "fiancé appreciation post" showing Derek Ramsay in his "just woke up" video.
PHOTO/S: Courtesy: @maria.elena.adarna on Instagram

Patuloy pa rin sa pagpapakilig ang engaged couple na sina Ellen Adarna at Derek Ramsay sa social media.

Magsi-siyam na buwan na ang relasyon ng dalawa at nalalapit na rin ang kanilang kasal.

Sa Instagram ngayong araw, September 28, nag-post si Ellen ng video ni Derek na kakagising lamang.

Sabi ng aktres, “Love, you’re so handsome.”

Mukha namang kinilig si Derek habang kinikiliti siya ng kanyang fiancée.

Caption ni Ellen sa kanyang video post: “Fiance Appreciation Post [smiling face with heart-eyes, zany face emojis] @ramsayderek07 shet, my hormones [face with tears of joy emoji]”

Kinilig naman ang aktres na si Jackie Forster sa post ni Ellen.

Komento niya, “So weird seeing Derek getting conscious [face with tears of joy emoji] iba ang powers mo Adarna! .. but be careful baka ma lamog si dong [face with tears of joy, smiling face with heart-eyes emojis]”

Continue reading below ↓

Sagot ni Ellen, "@jackie_forster better conscious than unconscious [face with tears of joy emojis]"

May isa namang netizen na basag-trip ang komento: “Tanda na di na bagay sayo derik pa cute kalbo”

Hindi ito pinalampas ni Ellen.

Sana raw ay hindi nakikialam at humanash ang basher dahil mukha rin daw itong "matanda."

Continue reading below ↓

Buong komento ni Ellen: “mukha ka din naman matanda ah… di na rin bagay sayo maki alam and humanash bakit, cute ka? ganda ka???!!!”

May isang netizen naman ang nag-IG Story ng komento ni Ellen.

Sabi nito sa caption: "Hahaha that's why iloveyou @maria.elena.adarna"

Ni-repost ito ni Ellen at ang caption niya: "Tingin tingin din cya sa mirror pag may time."

Continue reading below ↓

Maraming netizens ang nakiayon sa sagot ni Ellen sa basher:

Continue reading below ↓

Sa ngayon, hindi pa malinaw kung ano ang petsa at saan gaganapin ang kasal nina Ellen at Derek.

Pero namanhikan na ang pamilya ni Derek sa pamilya ni Ellen.

Sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) unang umamin ang dalawa tungkol sa kanilang isang buwang relasyon pa lang noon, noong February 2021.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Use these Klook promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ellen Adarna shares "fiancé appreciation post" showing Derek Ramsay in his "just woke up" video.
PHOTO/S: Courtesy: @maria.elena.adarna on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results