AJ Raval reveals real score with Aljur Abrenica: "We care for each other."

by Rachelle Siazon
Oct 5, 2021
AJ Raval on former Nerisa co-star Aljur Abrenica: "We understand each other. We care for each other. Pero wala pa kami sa point na may relasyon kami."
PHOTO/S: Instagram

Isiniwalat ni AJ Raval, 21, na totoong nanliligaw sa kanya si Aljur Abrenica, 31.

Eksklusibong ibinahagi ito ni AJ sa "On The Spot Challenge" sa PEP Live ngayong Martes ng gabi, October 5.

Tinanong si AJ ng deputy PEP Guide editor na si Jimpy Anarcon tungkol sa isyung nauugnay siya kay Aljur.

Waring kilig na napatili at napatakip ng bibig si AJ.

Saka diretsahang kinumpirma ng sexy actress na nagkakakilanlan sila ni Aljur ngayon.

"Yes, totoo. Hindi ako magpapakaipokrita.

"Di na ako magsisinungaling, di na ako magde-deny, kasi mukha lang kaming tanga kapag nag-deny kami.

"Well, totoo naman na nag-uusap kami."

Umamin din si AJ na si Aljur ang sinasabi niyang manliligaw na boyfriend-material.

Sabi pa ni AJ, "Yes, siya. Nag-uusap kami. We understand each other. We care for each other.

"Pero wala pa kami sa point na may relasyon kami. Parang getting to know..."

Kasama ni AJ na sumalang sa PEP Live ang co-stars niya sa Shoot! Shoot! Di Ko Siya Titigilan na sina Andrew E. at Sunshine Guimary.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

WHAT AJ PREVIOUSLY SAID ABOUT HER SECRET SUITOR

Sa YouTube vlog ni AJ noong September 13, una niyang ipinahiwatig ang tungkol sa isang manliligaw na nagpaparamdam sa kanya kung gaano siya kaespesyal.

Aniya, "Yung nag-iisa na yun, ramdam na ramdam ko talaga na special ako."

Kakuwentuhan ni AJ noon ang actress-vlogger na si Donnalyn Bartolome.

Tinanong ni Donnalyn kung may pag-asang sagutin ni AJ ang secret suitor niya.

Sagot ni AJ, "Hindi pa, pero na-appreciate ko siya. Pero di pa lang ako ready rin pumasok sa relationship kasi kakagaling ko lang sa relationship."

Malinaw na may pag-asa ang manliligaw si AJ, na ngayon ay pinangalanan niya sa PEP.ph na walang iba kundi si Aljur.

Nagkatrabaho sina AJ at Aljur sa Nerisa, ang Vivamax film na pinagbidahan nina Aljur at Cindy Miranda.

Gumanap si AJ bilang narrator na saksi sa pag-iibigan ng mga karakter nina Aljur at Cindy, at pati na sa mga kalupitang dinanas ni Cindy sa kamay ng mga umabuso rito sa kuwento.

Continue reading below ↓

Mag-kuya ang dating ng mga karakter nina AJ at Aljur sa Nerisa, at wala rin silang intimate scene doon.

ON ALLEGED SIGHTING OF ALJUR AT AJ'S PAMPANGA HOME

Lumutang ang ugnayan ni AJ kay Aljur nang mapansin ng netizens ang litrato na ipinost ni Aljur sa Facebook noong September 27.

Topless si Aljur habang nagkakape sa veranda, at ang camera shot ay kuha mula sa bintana sa loob ng bahay.

Pinagtagni-tagni ng netizens na ang bintana sa litrato ni Aljur ay kapareho raw ng bintana sa bahay ni AJ sa Pampanga.

Base iyon sa nakalap ng netizens na video mula sa "cleaning my room" vlog ni AJ.

Kakatwang ni-repost pa ni AJ ang video clip na kuha sa kanyang kuwarto na ikinabit sa litrato ni Aljur.

Sabi sa caption ni AJ, "LUH ISSUE KAYO HAHAHAHA [rolling eyes emoji]."

Kasabay nito ang pang-iintriga ni Xian Gaza na nagsabing may "exposé" siya tungkol sa sexy actress.

Continue reading below ↓

Pero binawi rin iyon ni Xian, at nagsabing sa pagkakaalam niya ay hindi third party si AJ sa hiwalayang "A.A" at "K.P."

Kung anuman ang ugnayan sa pagitan nina AJ at "A.A." ay nangyari noong break na ang couple na itinago sa initials, pero malinaw na tumutukoy kina Aljur Abrenica at Kylie Padilla.

Chill lang si AJ, na nakuha pang i-repost ang FB post ni Xian.

"OMG THAT'S REALLY ME!!! HAHAHAHA JOKE," saad ni AJ sa kanyang FB post noong September 30.

Noong September 29 nauna nang humingi ng paumanhin si Xian kay AJ, na tinanggap naman ng aktres.

Nitong October 5, sabi ni AJ sa PEP.ph: "Yes, nag-message sa akin si Christian. Nag-apologize siya.

"Sabi niya, sobrang cool ko raw sumagot, di raw niya in-expect. Di ko raw deserve yung mga ginagawa niya.

"Sabi ko lang sa kanya, okay lang. Di ko siya kokontrahin kasi content niya yun, e. Sasabayan ko na lang siya."

Continue reading below ↓

Nilinaw din ni AJ na hindi totoo ang "exposé" ni Xian naaksidente siya habang nagmamaneho papunta sanang bahay ni Aljur.

"Hindi totoo yung car accident. Naaksidente raw ako... Wala pong ganung kuwento. Ginawa lang niya yun."

AJ AND ALJUR'S DATING HISTORY

Si AJ ay apat na buwan nang single.

Naghiwalay sila ng dati niyang nobyo na si Axel Torres bandang June 2021 matapos ang halos dalawang taong relasyon.

Si Aljur naman ay limang buwan nang hiwalay sa asawang si Kylie Padilla.

Noong October 1, tila nakarating kay Kylie ang bali-balitang nauugnay si Aljur kay AJ.

Pero base sa kanyang tweet noong araw na iyon ay malinaw na hindi isyu sa aktres kung may iba na si Aljur.

Sinabi ni Kylie na nang maghiwalay sila ni Aljur noong April ay nagkasundo silang maaari na silang makipag-date sa iba.

Watch the full PEP Live interview featuring Shoot! Shoot! stars Andrew E, AJ Raval, and Sunshine Guimary here:

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Use these Shopee vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
AJ Raval on former Nerisa co-star Aljur Abrenica: "We understand each other. We care for each other. Pero wala pa kami sa point na may relasyon kami."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results