PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Axel Torres dedicates "Traitor" song to ex-girlfriend AJ Raval

Through a song, Axel Torres expresses how he feels betrayed by AJ Raval.
by Rachelle Siazon
Published Oct 7, 2021
Through the song "Traitor," Axel Torres expresses how he feels betrayed by ex-girlfriend AJ Raval who has found someone new after their breakup last June.
PHOTO/S: @axe1torres / @ajravsss Instagram

"Traitor."

Ganito inilirawan ni Axel Torres, 28, ang ex-girlfriend niyang si AJ Raval, 21, na tingin niya ay mabilis naka-move on mula sa breakup nila.

Si Axel ay ex-Pinoy Brother: All In housemate na halos dalawang taong nakarelasyon ni AJ.

Idinaan ni Axel sa mapait na lyrics ng kanta ang paghihinagpis ng puso niya na makitang may kasama nang iba si AJ.

Sunud-sunod ang Instagram Stories ni Axel kunsaan makikita ang mga litrato ni AJ na kuha sa special occasions nila noon bilang magkasintahan.

Tinakpan niya ang mukha ni AJ sa mga litrato, pero hindi mapagkakailang ang sexy actress iyon dahil sa tattoo nito sa dibdib.

Sa unang litrato, nakaupo si AJ sa kama sa isang kuwarto na may mga rose petals at red balloons.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa ikalawang litrato, makikita si AJ na may hawak na bouquet.

Nakalatag sa kama ang pambabae at panlalakeng sapatos at iba pang gamit na tila mga regalo nila sa isa't isa.

Sa ikatlong litrato, may hawak si AJ na cake na may greeting na, "Happy 7M!!! I love you."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nilapatan iyon ni Axel ng lyrics mula sa kantang "Traitor" ni Olivia Rodrigo.

Base sa mensahe ng kanta, tila nais iparating ni Axel na masama ang loob niya kahit pa sabihing hindi tuwirang third party ang dahilan ng hiwalayan nila ni AJ.

Kung talagang minahal siya ng dalaga ay hindi raw agad mahuhulog ang loob nito sa iba.

Narito ang ilang bahagi ng lyrics ng "Traitor" na ginamit ni Axel:

"YOU BETRAYED ME AND I KNOW THAT YOU'LL NEVER FEEL SORRY FOR THE WAY I HURT, YEAH, YOU TALKED TO HER WHEN WE WERE TOGETHER

"LOVED YOU AT YOUR WORST, BUT THAT DIDN'T MATTER IT TOOK YOU TWO WEEKS TO GO OFF AND DATE

"GUESS YOU DIDN'T CHEAT BUT YOU'RE STILL...

"NOW YOU BRING HER AROUND JUST TO SHUT ME DOWN SHOW HER OFF LIKE SHE'S A NEW TROPHY

"AND I KNOW IF YOU WERE TRUE, THERE'S NO DAMN WAY THAT YOU FALL IN LOVE WITH SOMEBODY..."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ginawa ito ni Axel isang oras matapos niyang i-post sa kanyang Instagram feed ang malamang lyrics ng "Numb," na hinihinala ng netizens na mensahe niya para kay AJ.

Nakumpirma iyon nang tuluyan niyang ilabas ang nararamdaman via Instagram Stories, na nawawala rin at hindi na makikita ng publiko matapos ang 24 hours.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

from breakup to new romance?

Noong August 7, 2021 unang inamin ni AJ sa PEP Live na natuldukan na ang relasyon nila ni Axel.

Sa presscon noong August 20, idinetalye ni AJ na dalawang buwan na silang hiwalay ni Axel.

Ang pagpapaseksi niya sa mga pelikula at pagseselos umano ni Axel sa leading man ni AJ na si Sean de Guzman ang dahilan ng breakup nila.

Sa September 13 YouTube vlog ni AJ, sinabi niyang may nanliligaw sa kanya na ipinaparamdam sa kanya kung gaano siya kaespesyal.

Pero hindi pa raw kaagad ito sasagutin ni AJ dahil prayoridad niya ang trabaho.

Hanggang sa nito ngang October 5, kinumpirma ni AJ sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na si Aljur Abrenica ang manliligaw na tinukoy niya sa vlog.

Nasundan ito ng viral videos nina AJ at Aljur na magka-holding hands na naglalakad sa mall.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Through the song "Traitor," Axel Torres expresses how he feels betrayed by ex-girlfriend AJ Raval who has found someone new after their breakup last June.
PHOTO/S: @axe1torres / @ajravsss Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results