Nora Aunor, Arjo Atayde, Karla Estrada file COCs for congressional seats

by Arniel C. Serato
Oct 8, 2021
Superstar Nora Aunor, actor Arjo Atayde, and TV host-actress Karla Estrada will try their luck in the 2022 elections as representatives.
PHOTO/S: Courtesy: Radyo Pilipinas / One News on Facebook / Jerome Ascano

Muling sasabak sa pulitika ang Superstar na si Nora Aunor.

Ngayong October 8, huling araw ng pagsusumite ng certificate of candidacy (COC), naghain ng kanyang kandidatura si Nora bilang nominee ng National Organization for Responsive Advocacies for the Arts (NORA A) party-list.

Hindi ito ang unang pagkakataong tatakbo sa pulitika si Nora.

Noong taong 2001, tumakbo siya bilang Camarines Sur governor pero hindi siya pinalad manalo.

Continue reading below ↓

Samantala, papasukin na rin ng actress-TV host na si Karla Estrada ang public service.

Naghain ang ina ni Daniel Padilla ng kanyang COC bilang nominee ng TINGOG party-list ngayon ding araw.

Ang ibig sabihin ng Tingog sa wikang Pilipino ay “boses.”

Mensahe ni Karla sa kanyang Instagram: “Maupay nga adlaw! [Magandang araw] Hindi ito naging madaling desisyon para sa akin at para sa aking pamilya.

“Pero dahil nandyan kayo at ang buong Tingog Party List, panatag po ako na kakayanin ko.

“Mamshie Karla po, tubong Tacloban, anak ng Region 8. #MamshieKarlaTingog #TingogMoBosesKo

Papalaot na rin sa mundo ng pulitika ang award-winning actor na si Arjo Atayde.

Nagpasa si Arjo ng kanyang COC bilang kinatawan ng unang distrito ng Quezon City ngayong Biyernes.

Sinamahan siya ni Quezon City Mayor Joy Belmonte sa kanyang pagpa-file ng kandidatura.

Todo-suporta rin ang kanyang mga magulang na sina Art Atayde at Sylvia Sanchez sa panibagong karerang nais pasukin ng Kapamilya actor.

Continue reading below ↓

Post ng Facebook page ng grupo ni Arjo: "Kanina po ay pormal ng nag file ng Certificate of Candidacy ang inyo pong lingkod na si Arjo Atayde.

“Siya po ay nag apply sa trabaho bilang Congressman sa Distrito Uno lungsod ng Quezon City sa ilalim ng Team Aksyon Agad kasama ang buthiing ina ng Quezon City na si Mayor Joy Belmonte at ang kanyang katuwang na si Vice Mayor Gian Sotto.

"Kasama po natin sina: Councilor Bernard Herrera, Councilor Doray Delarmente, Councilor TJ Calalay, Councilor Sep Juico, Councilor Ollie Belmonte, Councilor Charm Ferrer.

"Maraming salamat po sa mahal na Panginoong Diyos sa araw araw na pag-gabay sa ating mga lingkod bayan at mga kababayan.

"Ngayon pa lamang po, kami din ay nagpapasalamat sa inyo mga ka-barangay, mga ka-distrito at mga lodi sa suporta, tiwala at pagmamahal. Kayo po ay makakaasa na tuloy-tuloy ang ating pag Aksyon Agad upang maghatid ng tulong at mag-lingkod sa inyo.

Continue reading below ↓

"Mahal po namin kayong lahat."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Superstar Nora Aunor, actor Arjo Atayde, and TV host-actress Karla Estrada will try their luck in the 2022 elections as representatives.
PHOTO/S: Courtesy: Radyo Pilipinas / One News on Facebook / Jerome Ascano
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results