PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

“Where is Cat?” Pia Wurtzbach explains why Catriona Gray was missing in a pictorial

Some pageant fans continue to pit Pia Wurtzbach and Catriona Gray against each other.
by Bernie V. Franco
Published Oct 18, 2021
Pia Wurtzbach (left photo, left) posts a comment and explains why Catriona Gray (left photo, right) was nowhere to be seen at the pictorial of titleholders (right) after the Miss Universe South Africa 2021 pageant.
PHOTO/S: Instagram / @misssa on Instagram

Nagpaliwanag si Pia Wurtzbach kung bakit wala si Catriona Gray sa isang pictorial ng mga beauty queen sa South Africa.

Bagamat sina Pia (2015) at Catriona (2018) ay parehong Miss Universe titleholders, patuloy ang pagkukumpara sa kanila ng ilang pageant fans.

Dumalo sina Pia at Catriona sa Miss Universe South Africa 2021 pageant na ginanap sa Grand West Arena, Cape Town, noong October 16 (October 17 sa Pilipinas).

Nagsilbing isa sa mga hurado si Pia, habang backstage host naman si Catriona.

Kinoronahan si Lalela Mswane bilang Miss Universe South Africa 2021.

Isang araw matapos ang pageant, isang pictorial ang ginanap na kinabibilangan ng tatlong Miss Universe titleholders at ng iba pang beauty queens mula sa South Africa.

Bukod kay Pia, kasama sa pictorial sina Miss Universe 2020 Andrea Meza at Miss Universe 2019 Zozibini Tunzi.

Naroon din sina Miss World 2014 Rolene Strauss, Miss South Africa 2020 Shudufhadzo Musida, at si Lalela na pawang South African beauty queens.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ipinost ang video ng pictorial sa official Instagram account ng Miss South Africa.

Sa comments section, nag-iwan agad ng komento si Pia. Mahihinuhang alam niyang marami ang magtatanong kung bakit wala sa pictorial si Catriona, na nag-host sa pageant night.

Sa komento ni Pia, klaro ang pagtatanggol niya kay Catriona.

Aniya, “Hello everyone! Cat had an early flight this morning so she couldn’t make it to the shoot.

“I agree it would have been better if she was there but this was also a last minute plan from the org.”

Sabi pa ni Pia tungkol kay Catriona: “She’s also a very busy queen doing her work around the world.

“Maybe one day we can get all of us in 1 frame.. with Demi [Leigh Nel Peters, 2017] and Iris [Mittenaere, 2016],” pagtukoy pa niya sa fellow Miss Universe titleholders.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

PITTED AGAINST EACH OTHER

Bakas naman kay Pia ang pagnanais na tanggalin ang isyung pagkukumpara sa kanila ni Catriona.

Sa isang post niya mula sa pageant night ng South Africa, binanggit nitong masaya siyang nagkaroon sila ng oras ng "friend" niyang si Catriona na makapag-bond.

Bahagi ng post ni Pia: “Must say I’m really happy to be reunited with friends – Zozi @zozitunzi, Cat @catriona_gray, and all of the Queens…

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Not to mention I don’t get to see Cat in Manila so it was really good to spend time with her here albeit short!”

Samantala, sa naunang post ni Pia bago ang pageant, may mga larawan siya mula sa pamamasyal at bonding kasama ang beauty queens nang makarating siya sa South Africa.

Sa comments section, marami sa kanyang followers ang naghahanap kay Catriona at nagtatanong kung bakit wala ito sa picture.

Lumalabas na unang dumating sa South Africa si Pia kesa kay Catriona.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Samantala, nag-post si Catriona na pagdating sa South Africa ay nagtrabaho na siya at nag-shooting para sa pageant.

Pagtatanggol ng kanyang fans, ito ang dahilan kung bakit hindi siya nakasama sa pamamasyal ni Pia at ng ibang beauty queens doon.

Sa comments section, nagkaroon ng sagutan sa pagitan ng followers nina Catriona at Pia. Nagbabatuhan sila ng mga akusasyon tungkol sa kanilang mga idolo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Halatang may iringan sa pagitan ng fans ng dalawang Pinay titleholders.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ipinost naman ni Catriona ang isang larawan kasama ang kapwa niya Miss Universe titleholders na sina Andrea, Pia, at Zozi noong gabi ng pageant. Sinabi niyang masaya siyang nagkaroon sila ng bonding time.

Sumagot si Pia rito at sinabihan si Cat ng “safe travels.”

Sa event din ay may mga larawang magkasama sina Pia at Catriona, kasama ang iba pa.

Indikasyon itong maayos ang pakikitungo nila sa isa't isa sa kabila ng pagkukumpara sa kanila ng supporters nila.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pia Wurtzbach (left photo, left) posts a comment and explains why Catriona Gray (left photo, right) was nowhere to be seen at the pictorial of titleholders (right) after the Miss Universe South Africa 2021 pageant.
PHOTO/S: Instagram / @misssa on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results