Tinupad ni AJ Raval, 21, ang kanyang deklarasyong magpapaalam muna siya sa social media para protektahan ang sarili laban sa mga masasakit na salita ng bashers.
Matapos sabihin sa kanyang TikTok video na plano niyang mag-detox muna sa social media, binura ni AJ ang lahat ng kanyang posts sa Instagram nitong Miyerkules ng gabi, October 20.

Pagkatapos magpaliwanag kung bakit niya ibinahagi ang post ng napapabalitang karelasyong si Aljur Abrenica, 31, sa Facebook noong October 19, sinabi ni AJ na gusto muna niya ngayon ng katahimikan.
Nagpasalamat din siya sa kanyang supporters na hindi bumibitaw sa kanya.
Saad ni AJ, "Maraming-maraming salamat sa mga nagmamahal sa akin, sa mga sumusuporta.
"Nababasa ko message niyo. Na-appreciate ko kayo lahat. Thank you.
"Ayoko na. Gusto ko na lang ng peace sana matapos na ito kasi bugbog na talaga yung mental health ko.
"Di ko na kaya, so mag-social media detox na muna ako. Next year na lang ako babalik ng social media.
"Maraming salamat sa nagmamahal pa rin sa akin."
SAYING SORRY TO KYLIE PADILLA
Sa lagpas dalawang minutong TikTok video, humingi rin ng dispensa si AJ kay Kylie Padilla, 28, ang estranged wife ni Aljur.
May mga pumuna kasi sa young sexy star dahil tila ipinamukha pa niya kay Kylie ang namumuong ugnayan nila ng estranged husband nito.
Ang post ni Aljur sa Facebook tungkol sa diumano’y totoong dahilan ng hiwalayan nila ni Kylie ay lumikha ng matinding ingay sa showbiz noong Martes, October 19.
Sabi ni AJ tungkol sa pag-share niya ng Facebook post ni Aljur, “I'm really sorry sa lahat ng naapektuhan. And also kay Kylie, I'm really sorry kung shinare ko yung statement na yun.
"It's not my intention to hurt anybody. I was just trying to protect myself.
"Kaya lang, mali yung way ko.
"Pero na-realize ko rin na baka tama kayo. I'm too immature and I need to grow.
"I'm really sorry sa lahat ng naapektuhan, sa lahat ng nagalit.
"Sana mapatawad niyo ako."
Nauna nang iginiit ni AJ na hindi siya ang third party sa hiwalayan nina Aljur at Kylie.
Use these Zalora vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.
