Watch Now

AJ Raval stands by Aljur Abrenica amid his revelation about Kylie Padilla

by Rachelle Siazon
Oct 19, 2021
AJ Raval (center) reposts Aljur Abrenica's (left) statement about estranged wife Kylie Padilla (right).
PHOTO/S: Instagram

"Supportive girlfriend?"

Ito ang reaksiyon ng ibang netizens matapos i-repost ni AJ Raval ang mainit na pahayag ni Aljur Abrenica para sa estranged wife na si Kylie Padilla.

Si AJ ay 21 years old, habang si Aljur ay 31, at si Kylie ay 28.

Ngayong Martes, October 19, binasag ni Aljur ang pananahimik tungkol sa hiwalayan nila ni Kylie noong Abril 2021.

Base sa mga salita ni Aljur, sinisisi niya si Kylie na siya umanong may kasalanan ng pagkasira ng kanilang pagsasama bilang mag-asawa.

Diumano, si Kylie ang unang nagkaroon ng third party bago nangyari ang pagkakaroon ng ibang babae ni Aljur.

Hinamon din ni Aljur si Kylie na sabihin ang buong katotohanan kung bakit hindi na raw kinaya ni Aljur si Kylie.

Mabigat ang mga paratang na ito ni Aljur.

Pero ani Aljur, hindi na niya kayang manahimik pa dahil "one-sided story" lang ang alam ng publiko tungkol sa kanilang breakup.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Malinaw na pinaninindigan ni AJ ang namumuong magandang relasyon sa pagitan nila ni Aljur dahil sa paglagay sa kanyang public Facebook account ng saloobin ng aktor.

Habang isinusulat ang artikulong ito, umabot na sa 11,000 ang comments ng netizens sa post ni AJ.

AJ Raval reposts Aljur Abrenica cheating accusation against Kylie Padilla

Kung may mga pumuna sa pagiging "supportive" ni AJ kay Aljur, mayroon ding bumatikos sa sexy actress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Netizens call AJ Raval supportive

Hindi na raw dapat nakisali si AJ sa isyu ng estranged couple.

Netizens slam AJ Raval for joining the feud

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

AJ AND ALJUR'S ROMANCE

Hindi kaila sa publiko ang namumuong relasyon sa pagitan nina AJ at Aljur.

Sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) unang kinumprima ni AJ ang pagkakamabutihan nila ng aktor.

Nasundan iyon ng viral photos nila na magka-holding hands habang namamasyal sa mall, pati na rin ang mga litrato ng pagbisita ni Aljur sa bahay ni AJ sa Pampanga.

Sa PEP Troika, naiulat ang pahayag ni AJ na napag-usapan nila ni Aljur ang tungkol sa sitwasyon ng aktor at ng estranged wife nitong si Kylie.

Hindi nagdetalye si AJ dahil ayaw raw niyang panghimasukan pa ang breakup ng ex-couple.

Nilinaw rin nito na ang mahalaga ay alam niya sa sarili na wala siyang inaapakang ibang tao.

AJ raval DENIES BEING THIRD PARTY IN ALJUR-KYLIE BREAKUP

Pero tila hindi tinatantanan ng bashers sina AJ at Aljur.

Noong October 15, matapang na sinagot ni AJ ang bashers at sinabing hindi siya ang third party sa Aljur-Kylie breakup.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"JUST TO BE CLEAR, HINDI AKO ANG NAGING THIRD PARTY. OKAY GUYS?

"MABUTI AKONG TAO AT HINDI KO KAYANG GUMAWA NG MASAMA, KUNG MAKA BASH NAMAN KAYO PARANG NAKAPATAY AKO NG TAO HAHAHA [laughing emoji].”

KYLIE'S PRIVATE CHAT WITH FANS

Noong October 11, sinasabing si Kylie na mismo ang nagbigay-linaw sa private chat niya sa fans na hindi si AJ ang third party sa hiwalayan nila ni Aljur.

Private Chat: Kylie Padilla clarifies AJ Raval is not the third party

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Makikitang sinabi rin ni Kylie sa private chat na, "Gusto ko na mag move on."

Private Chat: Kylie Padilla expresses wanting to move on

Una na ring sinabi ni Kylie noong October 1 na nang maghiwalay sila ni Aljur noong Abril ay nagkasundo sila na maaari na silang makipag-date sa iba.

HOT STORIES

Use these Klook promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
AJ Raval (center) reposts Aljur Abrenica's (left) statement about estranged wife Kylie Padilla (right).
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results