Kylie Padilla slams Cristy Fermin over claim that Kylie cheated on Aljur Abrenica: "Alam ko kung sino source mo. Mahiya naman kayo."

by Rachelle Siazon
Oct 22, 2021
Kylie Padilla's message to Cristy Fermin after the latter alleged that Kylie cheated on Aljur Abrenica: "Wag nyong hintayin mag salita ako tungkol sainyo. Nag titimpi ako para sa mga anak ko."
PHOTO/S: @kylienicolepadilla Instagram / Cristy Ferminute

"GROW UP."

Ito ang palabang sagot ni Kylie Padilla laban sa veteran columnist-host na si Cristy Fermin hinggil sa isyung panloloko umano ng aktres sa estranged husband na si Aljur Abrenica.

Ngayong Biyernes ng umaga, October 22, kumalat sa social media ang sinasabing tweets at Facebook post ni Kylie tungkol sa paninira umano sa kanya ni Cristy.

May blue check o simbolo ng verified account ang tweets at Facebook post ni Kylie na na-screenshot ng kanyang fans at ibang netizens.

Pero hindi malinaw kung kailan ito ipinost ni Kylie dahil habang isinusulat ang artikulong ito ay burado na ito sa social media accounts ng aktres.

Kung ito man ay lehitimong galing kay Kylie, malinaw na pinabubulaanan niya ang mga impormasyong sinabi ni Cristy tungkol sa hiwalayan nila ni Aljur.

Sabi rito ni Kylie (published as is): "Hi Cristy Fermin. Alam ko kung sino source mo.

"Wag nyong hintayin mag salita ako tungkol sainyo. Nag titimpi ako para sa mga anak ko.

Continue reading below ↓

"Tignan nyo mga mali myo sa sarili nyo bago kayo manghusga ng ibang tao.

"Ano bang makukuha nyo sa pag sisira sakin? GROW UP. Ang tatanda nyo na.

"At sana kung sisirain nyo ako totoo mga pinagsasabi nyo. Mahiya naman kayo sa mga sarili nyo.

"Kung gusto nyo ako siraan sana totoo nalang yung mga pinag sasabi nyo. Mahiya naman kayo sa mga sarili niyo."

Sa Facebook post na pinaniniwalaang galing kay Kylie, may ibinahagi siyang link ng isang headline ng isang artikulo na may mga katagang "Kylie Padilla, lagi daw may katawagan noong sila pa ni Aljur Abrenica ayon sa source ni Cristy Fermin!"

May quote din mula kay Cristy na nagsasabing: "Kylie Padilla, lagi daw may katawagan noong sila pa ni Aljur Abrenica ayon sa source ni Cristy Fermin!

"Kahit na madaling-araw, oo, merong siyang kausap sa phone, bumababa siya. Kahit sa kusina, gano'n-gano'n, meron siyang kausap."

FB Post: Kylie Padilla calls out Cristy Fermin article

Continue reading below ↓

Narito ang screenshot ng sinasabing tweets ni Kylie:

Kylie Padilla tweets against Cristy Fermin claim of her cheating Aljur

CRISTY FERMIN REITERATES "SOURCE" ABOUT KYLIE'S ALLEGED THIRD PARTY

Lumalabas na noong October 20, 2021, inulit ni Cristy sa kanyang radio show ang nasagap niyang impormasyon mula sa isang source na nahuli umano ni Aljur na may madalas kausap sa telepono si Kylie noong nagsasama pa sila bilang mag-asawa.

Continue reading below ↓

Dito sinabi ni Cristy na: "Lagi natin pinag-uusapan noon yung kuwento ng aking source na si Kylie po talaga laging may kausap sa garden kahit na madaling-araw.

"Meron siyang kausap sa phone bumababa siya, kahit sa kusina meron siyang kausap...

"Kung ang babae malakas ang pakiramdam, ang tunog ng lalaki matibay. Merong nagaganap sa kabila nang sila pa ang magkasama."

May binanggit din si Cristy na pinamumukha umano ni Kylie kay Aljur na hindi ito mabuting provider ng kanilang pamilya.

"At saka yung kinuwento ng source... Pag dumarating si Aljur at magluluto ng pagkain yung kasambahay, sasabihin, 'Wag ka na magluto. Hayaan mo siya magutom hindi naman siya ang gumagastos dito sa bahay.'

"Napakasakit noon."

Tinalakay ito ni Cristy sa kanyang radio show kaugnay ng rebelasyon kamakailan ni Aljur na, "Tell them who cheated first."

May idea raw si Cristy mula sa source kung sino ang "hinihinalang lalaki" na tinutukoy ni Aljur na may ugnayan umano kay Kylie.

Continue reading below ↓

Pero ani Cristy, hihintayin niya na sina Kylie o Aljur na lang ang umamin kung sino ito.

Ipinunto ni Cristy na nagsimula ang kontrobersiya nang isiwalat ng ama ni Kylie na si Robin Padilla ang tungkol sa hiwalayan ng couple.

Naganap iyon sa vlog ni Ogie Diaz noong July 7, 2021.

Higit tatlong buwang nanahimik si Aljur.

Pero nito ngang October 19, umalma si Aljur na siya ang napuruhan sa "one-sided story" na inilabas ni Robin gayong may usapan na raw ang mag-asawa na hindi sila magsasalita ukol sa breakup nila.

At press time, burado na sa Facebook account ni Aljur ang kanyang mainit na salita laban kay Kylie.

KYLIE REFUSES TO BE PUT DOWN BY CONTROVERSY

Sa kabilang banda, hindi nagpatinag si Kylie sa pandidiin sa kanya ng estranged husband na si Aljur pati na rin sa patuloy na espekulasyon kung mayroon nga ba siyang third party.

Sa kanyang Facebook post ngayong umaga, October 22, naglabas ng pahayag si Kylie.

Continue reading below ↓

Hindi raw siya matitibag dahil sapat na sa kanya ang pagmamahal ng dalawang anak.

"I have all I could ever want already. Para sa lahat ng nag aalala sakin. I'm really ok [praying hand emoji]

"Masaya ako and I will protect my happiness. No matter what."

Una nang sinagot ni Kylie si Aljur sa pamamagitan ng malamang quote card na: "Never underestimate a man's ability to make you feel guilty for his mistakes."

HOT STORIES

Use these Nike promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kylie Padilla's message to Cristy Fermin after the latter alleged that Kylie cheated on Aljur Abrenica: "Wag nyong hintayin mag salita ako tungkol sainyo. Nag titimpi ako para sa mga anak ko."
PHOTO/S: @kylienicolepadilla Instagram / Cristy Ferminute
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results